Showing posts with label Others. Show all posts
Showing posts with label Others. Show all posts

Wednesday, January 19, 2022

Isang Sawa, Nabigyan Ng Leksyon Matapos Nitong Kainin Ang Isang Porcupine


Ang phytons o sawa ay tinuturing bilang isa sa mga pinakamapang4nib na hayop sa buong mundo. Hitsura pa lamang nila, idagdag pa ang malaking hugis ng kanilang katawan, ay talaga nga namang nakakapagdulot ng tak0t para sa karamihan.

Ngunit, tila ang sawa na ito ay naranasan ang pinakapangit na pangyayari sa kaniyang buhay matapos nitong mapagpasyahan na kumain ng isang porcupine.

Habang naglalakbay ang isang siklista sa bike trails sa Lake Eland Game Reserve sa KwaZulu-Natal, South Africa, napansin niya ang isang napakalaking sawa. Kaya naman napagpasyahan ng siklista na kuhan ito ng mga larawan at i-post sa social media kung saan madali nitong nakuha ang atensyon ng marami na nais makita ang nasabing sawa ng personal.


Marami namang mga tao ang pumunta sa parke sa mga sumunod na araw para lamang makita ang nasabing sawa. Marami ang nagtataka kung ano nga ba ang nakain nito dahil ang katawan nito ay lumawak pa sa mas malaking hugis. May iba't ibang mga spekulas tungkol sa mga hayopn na maaaring matagpuan sa nasabing gubat ngunit walang kumpirmasyon hanggang sa nam4t4y na nga ang sawa ilang araw ang nakalipas.

Kaya naman napagpasyahan ng mga staff at visitor na buksan ang katawan ng ahas para malaman kung ano ang nasa loob nito upang maipaliwanag na din ang dahilan nang pagk4wala ng ahas.


Laking gulat na lamang nila sa kung ano ang nakita sa katawan nito. Isang 30-lb o 13.8 kilogram na porcupine lang naman ang kanilang natagpuan sa katawan nito!

Gayunpaman, hindi pa din malinaw kung ang porcupine ba ang responsable para sa pagkam4tay ng sawa. Ang nasabing sawa ay natagpuan sa mabatong lugar kung saan ito b1nawian ng buhay. Sa impact nito, ang mga pakpak ng porcupine sa loob ng sawa ay maaaring tumusok sa tyan ng sawa na dahilan ng pagk4matay nito.

Isa Na Namang Batikang Komedyante, Ginulat Ang Karamihan Sa Pagpanaw Nito


Pum4naw na ang beteranong komedyante na si Don Pepot o Ernesto Fajardo sa tunay na buhay sa edad na 88.

Ayon sa kaniyang anak na si Michelle Fajardo, na nagkumpirma sa malungkot na balitang ito sa Super Radyo DZBB, puman4w si Don Pepot nito lamang Martes ng gabi, January 18, 2022 sa Veteran Memorial Hospital dahil sa pneumonia na dala ng C0VID-19.

Nagsimula ang acting career ni Don Pepot noong 1964, at tinatayang nasa mahigit isandaang pelikula din ang kaniyang nagawa noong mga panahon na siya ay aktibo pa sa showbiz industry.


Ang huling proyekto na ginawa ni Don Pepot ay ang 'Agimat, Si Enteng Kabisote at si Ako' na official entry para sa Metro Manila Film Festival 2012. Siya ay huling napanood naman sa telebisyon noong naghandog ng tribute para sa kaniya ang programa ng GMA-7 na Sunday PinaSaya noong July 2018.

Si Don Pepot ay ginawaran ng Sunday PinaSaya ng kauna-unahang Puso ng Saya award dahil sa kaniyang pagbibigay ng inspirasyon at kasiyahan sa publiko.


Noong June 2005 naman ay ginawaran si Don Pepot ng Lou Salvador Sr. Memorial Award sa 53rd FAMAS dahil sa kaniyang mga naging kontribusyon sa industriya ng pelikulang Pilipino bilang komedyante.

Ayon sa anak na lalaki ni Don Pepot na si Michael Fajado, isa sa mga hindi niya malilimutang pangaral sa kanilang magkakapatid ng kaniyang ama noong ito ay nabubuhay pa ay ang itapon ang mabuti at pulutin ang masama.

"Itapon ninyo ang mabuti at pulutin ninyo ang masama. Kaya ko sinabi na itapon ninyo ang mabuti para mapulot ng iba at sila ay maging mabuting tao. 


"Pulutin nino ang masama, ibaon ninyo sa lupa at nang mawala ang masama," ang life lesson ni Don Pepot na kailanman ay hindi makakalimutan ni Michael at ng kaniyang mga kapatid.

Sa pahayag ni Michael, sinabi niya na sa Karuhatan de Solennel iki-cremate ang mga labi ng kaniyang ama ngayong Miyerkules ng umaga, January 19.

Magsisimula naman sa January 20 ang wake ni Don Pepot sa Solennelle Funeral Homes along Maysan Road, Valenzuela City.

Tuesday, January 18, 2022

Lumang Larawan Ng Komedyanteng Si Pooh Noong Kabataan Niya, Kinaaliwan Ng Mga Netizens


Tayong mga tagahanga at tagasubaybay sa ating mga paboritong artista, isa sa ating mga inaabangan sa kanilang buhay ay ang pagpo-post nila ng kanilang mga lumang larawan sa kanilang mga social media accounts. 

Sa ganoong paraan kasi ay nakikita natin kung ano ang kanilang mukha bago pa nila pasukin ang industriya ng showbiz at nakikita din natin kung sino talaga sila.

Marami sa atin ang bumibilib at humahanga sa ating mga iniidolong personalidad sa tuywing sila ay nagbabahagi ng kanilang mga lumang litrato habang ang iba naman sa kanila ay talagang nakakapagbigay ng goodvibes sa marami sa atin dahil sa mga nakakatawang caption ng kanilang post. 


Isa na nga dito ang komedyanteng si Pooh o Jay Patrick Roquero sa tunay na buhay. Si Pooh ay isa lamang sa mga komedyante na nakapagbigay sa atin ng walang hanggang kasiyahan at nagpatawa sa atin ng lubos dahil sa kaniyang mga nakakatawang hirit o joke. Bukod pa diyan, hinahangaan din ng marami si Pooh dahil sa kaniyang husay pagdating sa pagi-impersonate ng iba't ibang personalidad sa Pilipinas kagaya na lamang ng Boxing Champ at kasalukuyang senador ng bansa na si Manny Pacquiao.

Mas nakilala pa si Pooh nang siya ay maging miyembro ng comedy program ng ABS-CBN na 'Banana Split' kung saan nakasama din niya ang iba't ibang mahuhusay na artista at komedyante kagaya nina Angelica Panganiban, John Prats, Jayson Gainza, at marami pang iba.


Bukod sa kaniyang husay sa pagpapatawa, mas tumatak din sa puso ng mga manonood ang kaniyang pisikal na kaanyuan, lalo na ang pagkawala ng kaniyang buhok.

Sa post na ibinahagi ni Pooh sa kaniyang social media ay marami ang napahanga at bumilib nang makita nila sa unang pagkakataon ang komedyante at aktor na mayroong malagong buhok. Kaakibat ng lumang larawan niya na ito ay ang maikling caption na nagtatanopng kung sino ang nagsasabi na siya ay panot.


Umani naman kaagad ng iba't ibang komento mula sa mga netizens pati na din sa kapwa niya artista ang post na ito ni Pooh. May ilan pa nga na nagsabi na kahawig niya talaga ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao noong siya ay mayroon pang buhok.

Monday, January 17, 2022

Piolo Pascual, Ipinakilala Na Sa Publiko Ang Ina Ng Kaniyang Anak


Ang Kapamilya star na si Piolo Pascual ay isa sa mga kilala at hinahangaang personalidad sa mundo ng showbiz. Kaya naman marami sa kaniyang mga tagahanga ang talagang nagulat nang malaman na siya ay mayroon na palang anak na lalaki, at ito nga ay walang iba kundi si Inigo Pascual.

Ngunit kahit ilang taon na ang lumipas simula nang ipakilala ni Piolo si Inigo sa publiko, hindi pa din binabanggit ng aktor kung sino nga ba ang ina ng kaniyang anak.

Itinago din ni Piolo ang balitang ito tungkol sa pagkakaroon niya ng anak sa matagal na panahon dahil aniya ay nais niyang magkaroon ng pribadong buhay si Inio.


Hindi naman maipagkakaila na maraming pagkakaparehas sa isa't isa sina Piolo at Inigo. Si Inio ay ipinanganak ng kaniyang ina na si Donnabelle Lazaro noong Setyembre 14, 1997. Si Donnabelle ang dating kasintahan ng Kapamilya actor.

Pinili niya na manirahan sa abroad para magkaroon siya at ang kaniyang anak ng pribado at tahimik na buhay malayo sa limelight. Ngunit nang mapagpasyahan ni Inigo na bumalik sa Pilipinas at sundin ang kaniyang pangarap, hindi nagdalawang isip si Donnabelle na payagan ang anak. Ayon sa kaniya, susuportahan niya ang kaniyang anak sa mga bagay na makakapagpasaya dito.


Masaya din si Donnabelle sa mga bagay na na-achieved na ng kaniyang anak. 

Inamin din niya na noong una ay hindi magaling si Inigo sa pagkanta. Ngunit dahil sa kaniyang dedikasyon na matuto sa pag-awit ay hindi naman nabigo si Inigo dahil isa na nga ito ngayon sa pinakamagaling na mang-aawit sa bansa at isa sa mga sumikat niyang kanta ay ang 'Dahil Sayo.'

Malaki din ang pasasalamat ni Inigo sa kaniyang mga magulang na walang sawang nagbibigay ng suporta sa kaniyang mga pangarap at nais maabot sa buhay at sa pagmamahal na ibinibigay nila sa kaniya.

Cristy Fermin, Ibinunyag Ang Masamang Panaginip Niya Tungkol Kay Kris Aquino


Sobrang pag-aalala nga ang nararamdaman ngayon ni Cristy Fermin tungkol sa health condition ng actress-TV host na si Kris Aquino. Madalas umano ay ipinagdarasal niya na malampasan na ni Kris ang punto na ito ng kaniyang buhay kung saan madalas siyang makaramdam ng s4kit at paghihirap dahil sa kaniyang medical condition.

Ayon kay Cristy, sa kaniyang panaginip nakita umano niya na nakaalis na si Kris papuntang ibang bansa upang magpagamot at nanatili sa ospital sa loob ng dalawang linggo. Pero ang hindi magandang pangyayaring kasunod sa kaniyang ay b1nawian umano ng buhay si Kris. 

Gayunpaman, sinabi ni Cristy na hindi siya naniniwala na ang panaginip na ito ay magkakatotoo. Dahil ayon sa mga naririnig niya ay kabaliktaran umano nito minsan ang nangyayari sa totoong buhay.


Aniya,

"Hindi maganda ang gising namin kahapon. Napanagi­nipan namin si Kris Aquino. Bumiyahe raw siya sa ibang bansa para magpagamot. Nakadalawang linggo raw naman siya sa ospital pero binawian din siya ng buhay.

"Bago kami natuloy ay ipinagdasal pa namin si Kris. Ilang linggo na namin siyang ibanabahgi sa aming mga panalangin. 'Yun lang naman kasi ang maitutulong namin sa kanyang pinagdadaanan ngayon.

"Kabaligtaran daw ang panaginip. Ibig sabihi’y lalakas pa si Kris at natatagpuan na ng mga espesyalista kung saan nagmumula ang kanyang s4kit." 


Matatandaan na sinabi ni Cristy na maging ang gobyerno ay nagbigay na ng assistance upang si Kris ay matuloy na ang paglipad sa Amerika upang makapagpagamot. Akala niya nga ay sa Singapore ito pupunta pero natuloy na pala ito sa Singapore at nakauwi ng walang anumang sagot sa kaniyang s4kit. Kaya naman ngayon ay pupunta na ito sa America upang doon humanap ng lunas.

"Tinutulungan na siya ng mga taga-gobyerno para makalipad agad ng Amerika. Kasi magkakaroon talaga ng medical emergecy, 'yun ang ginagamit nila, medical emergency. 

"Akala ko matutuloy siya sa Singapore... Eh pa'no nga e umuwi naman siya na wala rin namang nangyari, 'di ba? Hindi rin natunton kung saan nanggagaling 'yung kaniyang s4kit. So iiba naman siguro siya ngayon."

Matapos magkaroon ni Kris ng autoimmune dis3ase o kondisyon kung saan ang ating immune system ay inaatake mismo ang ating katawan. Si Kris ngayon ay may chr0nic sp0ntaneous urtic4ria o tinatawag din itong h1ves. Ito ay matinding pamumula ng balat at matinding pagpapantal, all3rgic reaction ito mula sa kinain o nainom na gamot. Kinakailangan ni Kris ng tamang dosage ng anti-hist4mines para hindi na lumala at magkaroon pa ng mas matinding all3rgic reactions.

Sa kasalukuyan, may limang dis0rders na ang aktres. Maliban sa chr0nic spontaneous urticaria, mayroon ding sev3re migr4ine, hyp3rtension, fibr0myalgia, at overproduction ng thyr0id antib0dies si Kris.

Kilalang Basketball Player, Ginulat Ang Marami Sa Biglaang Pagpanaw Nito Sa Edad Na 47


Pumanaw na ang dating basketbolista at aktor na si Maoi Roca nito lamang Biyernes ng umaga, January 14. Ito ay dulot ng kumplikasyon sa kaniyang s4kit na di4betes.

Si Maoi ay naglaro para sa La Salle men's team mula 1994 hanggang 1998. Kabilang din siya sa Batangas Blades sa dating MBA mula 1999 hanggang 2000. Naging bahagi din siya ng PBA draft noong 2001 sa ilalim ng Tanduay team.

Dahil sa taglay niyang tangkad at kagwapuhan, maliban sa pagiging basketbolista ay pinasok din ni Maoi ang industriya ng showbiz. Lumabas siya sa ABC5 top-rating gag show na 'Tropang Trumpa' noong mid-90s na mas kilala ngayon bilang 'Bubble Gang' nang lumipat ito sa GMA-7.


Noong nakaraang taon, naging madalas ang pagbabahagi ni Maoi sa kaniyang pinagdaraanang karamdaman hanggang sa tuluyan na siyang binaw1an ng buhay.

Nagpaabot naman ng mensahe at pakikiramay ang mga coach at dating kasamahan para sa pamilya na naulila ni Maoi.


Isa ang singer na si Rico Blanco sa nagbigay ng pamamaalam kay Maoi na ayon sa kaniya ay isang mabuti, maalalahanin, at masayahin na kaibigan ang dating basketbolista at aktor.

Saad naman ng dating La Salle player at ngayon ay deputy coach ng Meralco na si Luigi Trillo, "One of the nicest and happiest teammates we had."

Samantala, marami din sa kaniyang mga fans ang nagpahayag din ng kanilang pakikiramay sa biglaang pagkawala ni Maoi.

"Schoolmate sa Saint Francis, crush ng buong school napakacute nya kasi, tapos basketball player pa. Too young to die. Rest in Peace, brother"

"May your Soul Rest in Peace Maoi…Let Perpetual Light Shine Upon you…"

"“Naaalala ko pa partner cla ni carmina villaroel sa tropang trumpo…may your soul rest in peace…maoi"

"Crush ko to dati! May your soul rest in peace!"

"Rest in peace. Deepest condolences and prayers to the bereaved family "

Sunday, January 16, 2022

Mga Celebrities Na Magkakapatid Pala Sa Ama At Ina Na Hindi Alam Ng Marami


Hindi naman lingid sa ating kaalaman na ang mga kilalang personalidad na magkakapatid ay mayroong magkaibang ama o ina. Gayunpaman, sa kabila nito ay nananatili pa din ang pagiging malapit nila sa isa't isa.

Narito ang mga personalidad na magkakadugo at magkakapatid ngunit magkaiba ang pinanggalingang ama at ina.

15. Garie, KC Concepion, at Cloie Syquia Skarne

Ang tatlong naggagagandahang personalidad na sina Garie, KC, at Cloie ay anak ni Gabby Concepcion. Ina ni Garie ang dating kasintahan ni Gabby na si Grace Ibuna. Samantala ang ina naman ni KC ay ang kilala at batikang singer at aktres na si Sharon Cuneta habang ang ina naman ni Cloie ay si Jenny Syquia. Kahit pa man ang magkakapatid ay lumaki ng malayo sa isa't isa ay nananatili pa din ang pagiging malapit nila sa isa't isa.

14. Jinggoy & Jude Estrada, JV Ejercito and Jake Ejercito

Sila ay ilan lamang sa mga naging anak ng dating Pangulo ng bansa na si Joseph Erap Estrada. And ina nina Jinggoy at Jude Estrada ay si Loi Ejercito samantala ang ina naman ni JV Ejercito ay ang dating Mayor ng San Juan at aktres na si Guia Gomez habang ang dating aktres naman na si Laarni Enriquez ang ina ni Jake.

13. Dani, Julia, at Cladia Barretto

Ang dating aktres at konsehal na si Marjorie Barretto ay naging open book ang buhay pag-ibig noong siya ay nasa showbiz industry pa lamang. Una niyang naka-relasyon ang aktor na si Kier Legaspi na nagbunga naman at ito ay ang panganay niyang anak na si Dani Barretto. Sumunod na naka-relasyon at unang pinakasalan ni Marjorie ay ang komedyanteng si Dennis Padilla at naging anak nila sina Julia at Claudia Barretto. Si Julia ay isa na sa mga kilalang aktres ngayon sa Pilipinas habang si Claudia naman ay nahilig sa pagkanta. Magkakaiba man ng ama ay hindi pa din nawala ang closeness nilang magkakapatid sa isa't isa.

12. Ian De Leon at Mariel De Leon

Ang kilala at beteranong aktor na si Christopher De Leon ay ang ama ng artista na si Ian De Leon at beauty queen na si Mariel De Leon. Si Ian na panganay na anak ni Christopher ay ang kaniyang biological son sa beteranang aktres at unang kasal niya kay Superstar Nora Aunor. Samantala, si Bb. Pilipinas International Mariel De Leon ay ang unang anak na babae ni Christopher sa aktres na si Sandy Andolong. Magkaiba man ang kanilang mga inna, siniguro naman ni Christopher na magiging magkakilala ang kaniyang mga anak at magtuturingan na parang iisang pamilya.

11. Gutierrez Siblings

Isa sa mga kilala at beteranong aktor na tinagurian bilang "Heatthrob" noong dekada 80s na si Eddie Gutierrez ay ang pamosong ama ng magkakapatid na sina Tonton, Monching, Ruffa, Richard, Raymond, Elvis, Rockie, at Ritchie Paul. Si Tonton Gutierrez ay anak ni Eddie sa batikang aktres na si Liza Loreno samanatalang si Pilita Corales naman ang ina na si Ramond Christopher o mas kilala bilang Monching. Habang ang starlet noon na si Annabelle Rama ang ina nina  Ruffa, Richard, Raymond, Elvis, Rockie, at Ritchie Paul.

10. Vitto Marquez, Winwyn Marquez, Vandolph Quizon, at Mark Anthony Fernandez

Anak ni Alma Moreno si Mark Anthony sa action star na si Rudy Fernandez. Si Dolphy naman ang ama ni Vandolph Quizon. Samantala, ang ama naman nina Vitto at Winwyn Marquez ay ang komedyante na si Joey Marquez.

9. Daniel Padilla, RJ, at Roanna Padilla

Iisa ang kinikilalang ama nina Daniel, RJ, at Roanna. Umibig kasi sa magkaibang babae ang action star na si Rommel Padilla na kapatid ng aktor na si Robin Padilla. Si Daniel ang panganay na anak na lalaki ni Rommel sa aktres at TV host na si Karla Estrada. Samantala, sina RJ at Roanna ay anak ni Rommel sa non-showbiz wife nito na si Anabelle Antonio.

8. Jackie Lou Blanco at Monching Gutierrez

Si Pilita Corales ay ikinasal sa ama ni Jackie Lou Blanco na si Gonzalo Blanco. Si Pilita naman ay nagkaroon ng anak kay Eddie Gutierrez na si Ramon Christopher o mas kilala sa tawag na Monching.

7. Mark Anthony, Raphael, at Renz Fernandez

Hindi lang sa kapatid sa ina ang mayroon ang aktor na si Mark Anthony dahil nagkaroon din ito ng ibang kapatid sa ama. Ang action star na si Rudy Fernandez ay ikinasal sa aktres na si Lorna Tolentino at nagkaroon ng dalawang anak na lalaki na sina Raphael at Renz. Si Alma Moreno naman ang ina ni Mark Anthony.

6. Sotto siblings

Si Danica at Oyo Boy Sotto ay anak ng TV host na si Vic Sotto sa kilalang aktres na si Dina Bonnevie. Ang ina naman ni Vico Sotto ay si Coney Reyes. Habang ang dating aktres naman na si Angel Luz ang ina ni Paulina Sotto.

5. Ara Mina at Cristine Reyes

Sina Ara Mina at Cristine Reyes ay magkapatid sa ina na dating aktres na si Venus Imperial. Taong 2000 nang malaman ni Ara na ang kaniyang biological father ay si Chuck Mathay at hindi ang ama ni Cristine na si Romeo Reyes.

4. Eigenmann Siblings

Ang mga anak ng yumaong aktor na si Mark Gil ay mula sa iba't ibang ina. Ang mga anak nito sa dating aktres na si Irene Celebre ay sina Gabby at Aira. Ito ay nagkaroon din ng dalawang anak sa una nitong asawa at aktres din na si Bing Pimentel at ito ay sina Cid Lucero at Maxine Eigenmann. Ang relasyon naman niya sa aktres na si Jaclyn Jose ay nagbunga ng isang anak na si Andi Eigenmann.

3. CJ Ramos at Sherwin Ordonez

Nahuli sa isang buy bust operation ang dating sikat na child star noon na si CJ Ramos noong Hunyo 2018. Gayunpaman, nanatili pa din ang suporta ng kaniyang half-brother na dating dancer at isa na ngayong aktor na si Sherwin Ordonez.

2. Karylle Tatlonghari at Zia Quizon

Anim na taong gulang pa lamang si Karylle nang maghiwalay ang kaniyang ina na si Zsa Zsa Padilla at ang kaniyang ama na si Dr. Modesto Tatlonghari. Matapos nito ay kumalat naman ang balita na naging longtime partner nng kaniyang ina ang yumaong Philippine King of Comedy na si Dolphy na nagbunga ng isang anak na si Zia Quizon. Katulad ni Karylle, magaling din kumanta si Zia. Sa katunayan nga nyan ay nagkaroon sila ng isang back-to-back concert sa Australia noong 2013.

1. Jackie Forster at Mickey Ferriols

Magkapatid sa ama ang mga dating aktres na sina Jackie at Mickey. Si Mickey ay lumaki sa Pilipinas habang si Jackie naman ay sa United States. Parehas silang pumasok sa showbiz noong dekada 90s. Ang kanilang rebelasyon na sila ay magkapatid ay talagang ikinagulat ng marami. Kahit pa man sila ay lumaki ng magkahiwalay, hindi pa din ito naging hadlang para hindi sila makabuo ng close bond sa isa't isa.