Sunday, January 9, 2022

Kris Aquino, Nagsalita Na Tungkol Sa Balita Na Sila Ay May Relasyon Ni Willie Revillame!


Maraming netizens nga ang nakapansin sa pagiging malapit nina Willie Revillame at Kris Aquino sa isa't isa. Saad ng ilan, hindi na umano ito maituturing na magkaibigan lang dahil daig pa sa pagiging kaibigan ang ipinapakitang kabutihan ni Willie kay Kris at maging sa dalawang anak nito na si Bimby at Josh. 

Gayunpaman, may ilan naman na nagugustuhan ang ginagawa ni Willie kay Kris at nagsasabi na bagay naman silang dalawa. Isa pa, walang problema pagdating sa mga anak ni Kris dahil maging sila mismo ay botong boto kay Willie para sa kanilang ina.

Samantala, di naman maiwasan na mayroong mga netizens na hindi gusto si Kris para kay Willie. Masyado daw mabait ang TV host para kay Kris, matulungin sa kapwa, maalalahanin, at totoong may puso sa mga mahihirap hindi tulad umano ni Kris na puro pa-sosyal lang sa buhay. May mga nagsasabi naman na huwag daw umasa ang mga fans ng dalawang personalidad na may relasyon ang dalawa o di kaya ay nililigawan ni Willie kay Kris.


Alam naman natin na talagang malapit na magkaibigan ang dalawa kaya naman marahil ang ipinapakita nina Kris at Willie sa isa't isa ay talagang close lamang sila.

Ayon naman kay Kris, sinabi niya na napakabait naman talaga ng 'Wowowin' host, mapagbigay, matulungin, at mapagmahal sa kapwa. 


Tungkol naman sa ipinapakita nitong kabaitan sa dalawa niyang anak, natutuwa lamang daw si Willie na maka-bonding sa mga bata dahil alam naman nating lahat na mahilig sa bata si Willie. Ngunit hindi ibig sabihin na nililigawan na ng TV host ang kaniyang mga anak bago siya.

Aminado si Kris na boto ang kaniyang mga anak kay Willie ngunit para sa kaniya ay hanggang mag-kaibigan lang sila ng TV host at ganoon din daw ang iniisip Willie.

Natatawa na lamang din daw sila minsan kapag may nagsasabi na sila ay may relasyon. Ayon pa kay Kris, huwag pag-isipan ng kung ano ano ang ginagawa o ipinapakitang kabutihan ni Kris sa kaniya at sa kaniyang dalawang anak.

No comments:

Post a Comment