Saturday, January 1, 2022

British, Nanakawan Ng Wallet Habang Namimigay Ng Relief Goods Sa Mga Bikt1ma Ng Bagy0ng Odette


Talaga nga namang lumabas ang pagbabayanihan ng marami upang matulungan ang ating mga kababayan sa Visayas at Mindanao na lubos na naapektuhan ng bagyong Odette. Ngunit, nakakalungkot lamang isipin na ang isang British na nais lamang magabot ng tulong sa ating mga kababayan ay nanakawan pa habang ito ay namimigay ng mga relief goods.

Naduk0t umano ang wallet ng British man na nakilala sa pangalang Graham Beard noong December 21, 2021 bandand alas singko ng hapon sa mga Aglipay at Zamora Street. Ito umano ay namimigay ng mga relief goods kagaya ng mga biscuits at tubig sa mga nangangailangan sa Bais City, Negros Oriental.

Nagsiksikan na umano sa lugar dahil sa daming taong dumagsa sa sasakyan nina Graham para makakuha ng relief goods na ibinabahagi nito.


Ayon sa isang citizen, napansin umano niya ang isang grupo ng mga kalalakihan na tila mayroong masamang binabalak. Nabigyan pa nga daw ito ni Graham ng biscuits at tubig ngunit bumalik din ito makalipas lamang ang ilang sandali.

Noon pa lamang daw ay mapapansin na sa mga ito na tila mayroong gagawing masama dahil sa kanilang senyasan sa isa't isa. 


Makalipas nga lamang ang ilang oras napansin na ng banyaga na nawawala na pala ang kaniyang wallet noong sila ay patapos na. Ang kaniyang wallet umano ay may lamang mga pera, Green Card, mga IDs, at ATM cards.

“I really need all my ID cards returned to me. The wallet and other stuff is not important as nothing can be used by anyone else.”


Sa kabila ng pangyayari, mayroon pa din talagang mga tao na mayroong malilinis at mabubuting puso. Ayon kay Graham, mayroon daw tumawag sa kanila na nagngangalang Vincent at sinabi nito na nasa kaniya ang wallet ng banyaga. Kaya naman siya at ang kaniyang asawa ay babalik sa Bais upang kuhanin ito.

No comments:

Post a Comment