Wednesday, January 5, 2022

Vic Sotto At Pauleen Luna, Nagbakasyon Kasama Ang Anak Na Si Tali Ng Walang Kasamang Yaya Sa Unang Pagkakataon


Isang masaya, enjoyable, at memorable ang naging bakasyon nina Pauleen Luna at Vic Sotto kasama ang kanilang anak na si Tali sa Casa Tinio sa Cabangan, Zambales. Ito din ang kauna-unahang pagkakataon na wala silang kasamang yaya sa kanilang bakasyon na pamilya.

Pahayag ni Pauleen sa kaniyang socmed post,

"It's our very first trip without a yaya on board! We are so fortunate to be blessed with a very easy ch𝔦ld."

Noong una, akala ni Pauleen na hindi nila mae-enjoy ang kanilang bakasyon ngunit napakabait at masunurin daw ni Tali sa buong bakasyon nila at hindi nila ito masyadong binantayan. 


Dagdag ng aktres,

"I honestly thought I would have a hard time and won't be able to enjoy the vacay but to my surprise, she adjusted right away and didn't have a problem being independent-ish!"

Kasama din nina Vic at Pauleen ang mag-asawang sina Marc Pingris at Danica Sotto at ang kanilang dalawang anak na sina Jean Michael at Anielle Micaela.


Sa mga larawan na ibinahagi ni Pauleen, makikita na talagang nag-enjoy si Tali sa kanilang naging bakasyon kasama ang kaniyang mga kamag-anak. Nagpasalamat din ang actress-TV host dahil binantayan din nila si Tali at nakipag-bonding ito sa kanila.

Inihayag din ni Pauleen kung gaano sila nag-enjoy sa kanilang bakasyon at napaka-memorable din nito lalo na dahil hindi din sila gaanong nakakapagbakasyon ngayon na pamilya dulot ng pand3miya. Gayunpaman, masayang masaya naman si Pauleen dahil naging bonding din ng kanilang pamilya ang naging bakasyon nila.

"Big big thanks to our family too for helping me keep her occupied and entertained! Yes, I have a Zamba hangover. Missing everyone."


Noong Oktubre ay nagbakasyon din sina Vic at Pauleen kasama si Tali sa isa sa mga paborito nilang puntahan na island resort na Amanpulo sa Pamalican, Palawan. Kasama naman nila sa bakasyon na ito ang ilang miyembro ng Sotto clan at ang mga magulang ni Pauleen.

No comments:

Post a Comment