Sunday, January 16, 2022

Ito Pala Ang Dahilan Kung Bakit Na-banned Si Gretchen Barretto Sa Isang Pangmayamang Spa!


Alam niyo ba na ang dating sexy actress na si Gretchen Barretto ay banned na pala sa mga RCBC Towers limang taon na ang nakakalipas?

Ayon sa isang source, regular daw na bumibisita ang dating aktres na si Gretchen sa isang pang mayamang spa salon. Sa tuwing pumupunta umano si Gretchen doon, ayaw daw nito na may nakakasabay na tao sa loob ng elevator. Tanging ang personal assistant at apat na bodyguards lamang daw ang kasa-kasama niya.

Marami pa din naman ang nakakakilala kay Gretchen noon dahil sa kaniyang kasikatan. Dagdag pa ng source, noong isang beses daw na pumunta si Gretchen sa spa sa naturang establisyemento ay hindi sinasadya na may nakasabay sila na isang medyo may edad na babae. 


Ngunit, bigla na lamang daw sinabi ni Gretchen sa kaniyang mga bodyguard na,

"Guard, kindly tell to the old lady to step out on the elevator."

Nang marinig umano ito ng babaeng nakasabayan ni Gretchen sa elevator, kaagad umano itong napalingon. Tumaas ang kilay at sinabi sa mga guards ng building na naroroon na.


Aniya,

"Guards, please tell to this freaking social climber woman to step out on my building."

Doon napag-alaman na ang tinawag pa lang "old lady" ni Gretchen ang siyang nagmamay-ari ng RCBC 1 & 2. Ang panganay na anak ng Yuchengco na pamilya na nagmamay-ari ng mga naglalakihang buildings, properties, at iba pa sa Makati.

Ang RCBC 1 at 2 ay pagmamay-ari mismo ng babae na sinita ni Gretchen na si Vivian Yuchengco. Ayon pa sa kuwento, bigla daw nagulat ang mga tao sa lobby dahil sa nangyaring komosyon at eksena dahil sa pagpapaalis ni Vivian kay Gretchen sa naturang establisyemento bilang resulta ng pambabastos at pagpapaalis ng aktres kay Vivian sa elevator.

Wala umanong nagawa ang dating aktres kundi ang lumabas at umalis ng building. Simula umano noon, na-banned na si Gretchen sa RCBC Towers.

No comments:

Post a Comment