Ang pagiging pangalawang magulang, magandang ehemplo sa kanilang mga inaanak, at katulong ng mga magulang sa paggabay sa kanilang mga anak para lumaking may respeto at mabuting tao ay ang pinakasentrong role na gagampanan ng mga Ninong at Ninang sa kanilang mga inaanak.
Ngunit, nakakalungkot lamang isipin dahil tila sa panahon natin ngayon ay mayroong mga magulang na tila nakakaligtaan na ang tunay na tungkulin ng mga Ninong at Ninang na kanilang kinukuha para sa kanilang mga anak.
Katulad na lamang ng kwento na ibinahagi ni Jin Ae, isang Ninang na nagtatrabaho bilang Overseas Filipino Worker (OFW) kung saan siya ay tinanggal na sa pagiging Ninang sa kaniyang inaanak dahil maliit na halaga lamang ang maibibigay niya para sa inaanak.
Malungkot na pagbabahagi ni Jin Ae sa kaniyang post,
“Ang akala ko magiging Happy, hindi pala. Kahit na maliit na halaga lng yan, ang importante galing yan sa aking puso.”
Dagdag pa niya,
“Ng dahil lamang sa 500 pesos, hindi na ako Ninang.”
Ibinahagi din niya ang mga screenshots ng pag-uusap nila ng nanay ng kaniyang inaana.
Sa kanilang pag-uusap, makikita na nag-offer si Jin Ae ng pera para sa inaanak at nanghingi din siya ng pasensya sa kaniyang kumare dahil maliit na halaga lamang ang kaya niyang maibigay dito dahil sa dami din ng kaniyang inaanak.
“Papadala ako ng pera para sa Inaanak ko, Madz.”
Tanong naman ng kaniyang kumare kung magkano ang kaniyang ibibigay.
Sagot ni Jin Ae,
“500 lang Madz kasi hinati-hati ko din sa iba ko pang mga inaanak.”
Nagulat naman ang nanay ng kaniyang inaanak dahil saad nito ay napakaliit na halaga lamang ng P500 na ibibigay ni Jin Ae para dito.
Tanong nito, "Ano naman mabibili niyan?"
Saad pa ng kaniyang kumare,
“Kung 500 lang naman, wag ka nalang magbigay, maawa ka sa limandaan mo.”
Noong una ay akala ni Jin Ae na nagbibiro lamang ito sa mga sinasabi nito.
Ani ng nanay ng kaniyang inaanak,
“Hindi ako nagjojoke Mads. ‘Wag mo nalang yan ipadala, ako yung naawa sa 500 mo kung yan lang naman ang kukuhanin ko sa Palawan.”
Dagdag niya,
“Hindi tumatanggap ang anak ko ng mga maliliit.”
Labis naman na ikinagulat ni Jin Ae ang reaksyon at sinabi ng kaniyang kumare.
Sagot niya,
“Hala siya. Ganun ba madz. Sige hindi ko nalang din ito ipapadala kasi ayaw niyo din naman pala tanggapin.
“Merry Xmas Madz at sa aking inaanak.”
Dumating pa sa punto na tinanggal siya ng kaniyang kumare na maging ninang ng anak nito.
G4lit na sambit pa ng kaniyang kumare,
“Hindi ka na kasama sa mga Ninang niya kasi napaka kuripot mo. Kainin mo yang P500 mo.
“Nakakakuripot niyong Ninang, dalawa na kayong kuripot.”
Paliwanag naman ni Jin Ae na mabuti nga ngayon ay nakakapagbigay na siya kumpara dati na talagang wala siyang maiabot sa kaniyang mga inaanak.
“Magbibigay nga ako ng 500, ayaw mo din tanggapin kasi maliit lang. Ano pala gusto mo yung may tatlong zero?.”
Sa isang punto ng kanilang pag-uusap ay sinabihan pa siya ng magulang ng kaniyang inaanak na siya ay walang kwentang ninang.
“Naka pag-abroad lang kayo, naging kuripot na kayo. Wala kayong mga kwentang mga Ninang.
“Hindi na kayo Ninang ng anak ko.”
No comments:
Post a Comment