Pum4naw na ang beteranong komedyante na si Don Pepot o Ernesto Fajardo sa tunay na buhay sa edad na 88.
Ayon sa kaniyang anak na si Michelle Fajardo, na nagkumpirma sa malungkot na balitang ito sa Super Radyo DZBB, puman4w si Don Pepot nito lamang Martes ng gabi, January 18, 2022 sa Veteran Memorial Hospital dahil sa pneumonia na dala ng C0VID-19.
Nagsimula ang acting career ni Don Pepot noong 1964, at tinatayang nasa mahigit isandaang pelikula din ang kaniyang nagawa noong mga panahon na siya ay aktibo pa sa showbiz industry.
Ang huling proyekto na ginawa ni Don Pepot ay ang 'Agimat, Si Enteng Kabisote at si Ako' na official entry para sa Metro Manila Film Festival 2012. Siya ay huling napanood naman sa telebisyon noong naghandog ng tribute para sa kaniya ang programa ng GMA-7 na Sunday PinaSaya noong July 2018.
Si Don Pepot ay ginawaran ng Sunday PinaSaya ng kauna-unahang Puso ng Saya award dahil sa kaniyang pagbibigay ng inspirasyon at kasiyahan sa publiko.
Noong June 2005 naman ay ginawaran si Don Pepot ng Lou Salvador Sr. Memorial Award sa 53rd FAMAS dahil sa kaniyang mga naging kontribusyon sa industriya ng pelikulang Pilipino bilang komedyante.
Ayon sa anak na lalaki ni Don Pepot na si Michael Fajado, isa sa mga hindi niya malilimutang pangaral sa kanilang magkakapatid ng kaniyang ama noong ito ay nabubuhay pa ay ang itapon ang mabuti at pulutin ang masama.
"Itapon ninyo ang mabuti at pulutin ninyo ang masama. Kaya ko sinabi na itapon ninyo ang mabuti para mapulot ng iba at sila ay maging mabuting tao.
"Pulutin nino ang masama, ibaon ninyo sa lupa at nang mawala ang masama," ang life lesson ni Don Pepot na kailanman ay hindi makakalimutan ni Michael at ng kaniyang mga kapatid.
Sa pahayag ni Michael, sinabi niya na sa Karuhatan de Solennel iki-cremate ang mga labi ng kaniyang ama ngayong Miyerkules ng umaga, January 19.
Magsisimula naman sa January 20 ang wake ni Don Pepot sa Solennelle Funeral Homes along Maysan Road, Valenzuela City.
No comments:
Post a Comment