Monday, January 3, 2022

Kilalanin Ang Mga Anak Ni Jeric Raval Sa Kaniyang Mga Minahal


Si Jeric Raval ay isa sa mga sikat at hinahangaang action star sa Philippine showbiz industry. Siya ay unang nakilala sa kaniyang pagganap sa pelikula na 'Sagot Ko Ang Buhay Mo' noong taong 2000, 'Bagansya' noong 2001, at Angel de Guardia.

Hindi rin naman lingid sa kaalaman nating lahat na mayroong mga nagagandahan at naggwapuhan na anak si Jeric mula sa kaniyang mga naka-relasyon noon.

Narito at kilalanin natin ang mga anak ni Jeric Raval.

1. Janina Raval

Si Janina Raval ay anak ng aktor sa dati nitong partner na si Monica Herrera. Sa ngayon ay isa sa talent ng Viva Artist Agency si Janina. Pinasok na din niya ang mundo ng showbiz para sundan ang yapak ng kaniyang mga magulang.

2. Aj Raval

Noong mga nakakaraang buwan lamang ay naging usap-usapan sa social media si Aj, ang isa pang anak ni Jeric kay Monica. Ito ay matapos mapukaw ni Aj ang atensyon dahil sa kaniyang nakakabighani na kagandahan. Katulad ni Janina, si Aj ay pinasok na din ang pagaartista. Kahit pa man nawala sa sandaling panahon ang kasikatan ni Jeric, muli naman siyang bumalik dahil sa kaniyang mga magagandang anak na silang naging dahilan para maging matunog muli ang pangalan na Jeric Raval.

Si Aj ay unang lumabas sa 'KapareWHO' segment ng 'It's Showtime'. Siya ay naging guest din sa isa pang programa ng ABS-CBN na 'Minute To Win It'. 

Dahil sa nakakabighaning kagandahan ni Aj, marami na agad na humanga sa kaniya sa unang paglabas pa lamang niya sa telebisyon. Sa ngayon ay isang talent si AJ ng Viva Artist Agency. Pinag-iigi niya ngayon ang kaniyang talento pagdating sa pagsayaw at pagkanta.

3. Joshua Raval

Si Joshua ay anak pa din ni Jeric kay Monica. Gayunpaman, hindi katulad ng mga kapatid niyang babae, mas pinili ni Joshua na magkaroon ng tahimik at pribadong pamumuhay.

4. Vanessa Raval

Bukod sa hilig na pagpapatattoo sa kaniyang katawan, hilig din ni Vanessa ang pagti-TikTok. Sa katunayan nga nyan, siya ay makikita na kasama ang mga kapatid sa ama na sina Janina at AJ sa kaniyang mga TikToke videos. Maging si Jeric mismo ay nakakasama niya din sa kaniyang mga videos.

Kahit pa man hindi siya pumasok sa showbiz industry, makikita pa din ang kasiyahan ni Vanessa sa mga bagay na kaniyang ginagawa. Katulad nina Janina at AJ, namana din ni Vanessa ang magandang lahi sa kaniyang ama.

5. Mela Buensuceso

Si Mela ay isa pa sa mga magagandang anak ni Jeric. Naibahagi na noon ni Mela na kahit pa man may pagka-istrikto ang kaniyang ama, napaka responsable pa din nitong ama para sa kanilang magkakapatid.

Sa kanilang guesting sa programa ng ABS-CBN na 'Magandang Buhay', naibahagi ni Mela na talagang strikto ang kaniyang ama dahil kahit maging ang pagsali niya sa JS ay hindi siya nito pinapayagan. Ngunit naiintindihan pa din naman niya ito dahil alam niyang pag-iingat lamang ito sa kaniya ng kanilang magulang.

6. Pugo Buensuceso

Si Pugo ang nakababatang kapatid ni Mela. Ayon kay Jeric, pinangalanan umano niyang Pugo si Paul Eric dahil sa pagiging kalbo nito noong ito ay bata pa. Madalas niya itong tawagin noon na pugs o pugo kaya naman hanggang sa pagtanda nito ay Pugo na ang naging palayaw.

Magaganda at gwapo ang anak ni Jeric Raval kaya naman walang pag-aalinlangan na katulad ng kanilang ama, sila ay magiging tanyag din sa industriya ng showbiz.

No comments:

Post a Comment