Friday, January 7, 2022

Dra. Vicki Belo, Nagbalik-tanaw Sa S4kit Na Nadarama Tuwing Kaarawan Niya “Ipinanganak ka palang pinamigay ka na, di ba?”


Inamin ng beauty guru at cosmetic doctor na si Dra. Vicki Belo ang dahilan kung bakit palagi silang umaalis ng bansa at nakapatay ang kaniyang cellphone tuwing kaaarawan niya (January 25).

Sa panayam sa kaniya ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz sa kaniyang YouTube channel, inamin ng doktor na isang paalala daw 'yon ng araw kung kailan siya pinanganak, ang araw din na pinaampon siya ng kaniyang biological parent.

Pagbubunyag niya,

“My close, close friends know, ever since I was young di ba, feeling ko kasi I’m an adopted [child] lang, parang pinamigay talaga kasi ako.”


Pagbabalik-tanaw niya sa mapait na alaala,

"Nu’ng ipinanganak ako, never akong hinawakan ng nanay ko.

“So, right away, dinala nila ako sa incubator tapos hinintay ko na lang ’yung Belo mom [ko] kasi I was born in Cebu. 

“My Belo mom is from Manila. She has to fly. So, in my head it’s not a happy [memory]…ipinanganak ka palang pinamigay ka na, di ba?"

Emosyonal na pagpapatuloy ni Dra. Belo,

“So, when I think of that since I had so many issues about adoption, about not being good enough, about not being lovable ...

"Umiiyak na naman ako...” 

Dagdag niya,

“I thought I don’t want to be greeted. Kasi kapag na-remember ko birthday, sino naman [ang] happy sa birthday ko? Wala naman. I mean in my head, my mom and dad gave me [away] on my birthday… so, wala bumabalik lang talaga ang pain. So, I just ignore.

“So, the best gift that you can give me is not to greet me.  Kasi when people kasi [say], ‘Happy birthday,’ I can be only me plastic for just a short time. So, when people say, ‘Happy birthday,’ I say thank you. After that, umiiyak na ako parang, ‘Tama na. Wag n’yo na ako i-greet.’  Hayan kita mo, umiiyak na naman ako kasi that’s really still a pain,.”

Makalipas ang 65 taon simula ng pangyayari, sinabi ni Dra. Belo na nagkaroon naman na ng closure sa kaniyang puso ang tungkol sa pagpapa-ampon sa kaniya ng kaniyang biological parent. Hindi lamang daw niya kaya na hindi maging emosyonal dito lalo na kapag kaarawan niya.

“Meron na. I don’t know. Pag birthday ko lang talaga [I’m]super sensitive. Kasi the rest of the days hindi naman ako ganu’n, e, pag birthday ko talaga parang ayan na naman ’yung Dragona na nag-aano sa akin.  I accepted it na. One day lang naman ’yun so kaya ko na ’yung palampasin.”

Tanong ni Ogie kay Dra. Belo, “Hindi mo pa ba nase-settle yan sa biological parents mo?”

Pagka-klaro ng doktor,

“Pinatawad ko na ’yung aking biological mom and dad but I was not able to tell her na, ‘It’s okay mom. Sakit nga but sobra akong grateful sa’yo because you made sure you gave me to the right people, my most wonderful parents Atty. Enrique Belo and Nena Belo.’

“With my [adoptive] parents naman...kapag adopted ka kasi malalaman mo na masakit sa kanila ’yung pinag-uusapan n’yo ’yung pagka-adoption mo because they feel na, ‘Hindi ka ba masaya na na-adopt ka namin? Which is totally not true.”

Saad pa ng doktora, para umano sa mga may similar na pangyayari na kaniyang naranasan, ang pinaka-importante daw ay magkaroon ng maayos na dialogue sa simula pa lamang.

“For parents with adopted children, we just need to verbalize which I could never kasi I could see how hurt my Belo parents na ang dating sa kanila, ‘You’re not happy?’ Which [is not true]. I’m so, so happy.

“And I’m so grateful kasi my parents told me since I was young. I don’t remember ever, ever not knowing. Ang mas4kit diyan ’yung mga sinasabihan mo [edad] 21, 25 [na]...Parang, what? Parang ’yung buhay mo na-erase. Your parents are not your parents.

“But with me, ang galing ng [Belo] daddy ko the way he told me, ang ganda talaga, so, I think I have to be grateful.”

Pagpapatuloy niya,

“The way my dad did it is by telling me a story about an adopted girl na prinsesa na ang pangalan niya ay Veronica...lagi niyang sinasabi, she’s the love of the life of her parents and then mga adventures ni Veronica...

“And then one day daw I said to my dad, ‘Daddy sana adopted din ako and he said, ‘Iha, you are!  So, ang feeling ko no’n  ‘Whoa, ang galing ko. I’m adopted!’“

Pag-amin pa ni Dra. Belo, nasira lamang daw ang maganda na sanang scenario ng kaniyang buhay noong siya ay pumasok na sa eskwelahan. Ngunit, hindi naman siya nasaktan ng sobra dito dahil alam niya kung anbo ang totoo.

“But when I went to school bina-bash ako at binu-buly dahil adopted ako. Meron ng strong foundation, so, I came home crying and it affected me but not as bad as if I did not know."

Diin ng asawa ni Dr. Hayden Kho,

“Kaya huwag nyo’ng sabihing, ‘Ampon lang yan. Okay naman kaming mga ampon. Chosen daw kami.”

Dahil dito, sinabihan niya ang kaniyang bunsong anak na si Scarlet na kahit hindi ito galing sa kaniyang sinapupunan ay galing naman siya sa kaniyang puso.

Kaya naiintindihan umano niya kung bakit may mga kabataan na nagre-rebelde kapag nalaman nila na ampon sila dahil hindi agad nasasabi ang tungkol dito sa kanila.

"Naiintindihan ko where they come from, may mga friends akong ganu’n. Mahirap talaga. I mean it’s like everything you know about yourself na nawala. Masyadong shocking. With them, I just let them talk.

“If you are adopting someone you tell them already right away and you make it not an issue, di ba?  Mas mahirap ’yung ginagawa nyo na ‘I’ll find the right time’ lalo na pag masyado nang attached.”

No comments:

Post a Comment