Saturday, January 8, 2022

Sheryl Cruz, Nagsalita Na Sa Balita Tungkol Sa Pagbubunt1s Umano Niya Sa Aktor Na Si Jeric Gonzales


Sa wakas ay nagsalita na ang aktres na si Sheryl Cruz tungkol sa mga spekulasyon at usap-usapan na kumakalat sa social media tungkol sa diumano'y pagbubunt1s niya.

Sa "Funfare" column ni Ricky Lo sa The Philippine Star noong Martes, Disyembre 29, maaaring pinabulaanan ni Sheryl ang nasabing alegasyon.

Nang tanungin tungkol sa balita na nagdadalantao umano siya, sagot ng 46 taong gulang na aktres,

"Oh, wow! Hahaha!!! And who is the father daw?"

Ayon pa sa mga kumakalat na balita, ang co-star umano niya sa Kapuso drama series na 'Magkaagaw' na si Jeric Gonzales ang ama umano ng kaniyang ipinagbubunt1s.


Ani ng aktres,

"I just came back from a lock-in taping of Magkaagaw and got my period on the second week of the taping, so that’s my answer. And if the tsismis is true, wow, ang ganda o ang guapo siguro ng magiging anak namin."

Nilinaw din ni Sheryl na sila ng Kapuso aktor ay magkaibigan lamang talaga at kung mayron man siyang idini-date o bagong nobyo, ito ay ibahagi sa publiko.


Saad niya,

"Hahaha! It’s probably our fans wanting us so much to be together. Jeric and I are okay naman. And if I do date or have a steady boyfriend, I won’t deny it to the entire world."

Ang nasabing isyu ay nagsimula sa komento ng isang netizen sa Instagram post ni Sheryl kung saan makikita na kasama nito sa lock-in taping sa Pampanga si Jeric.

Komento ng netizen,

"nabuntis ka daw nyan sbi sa article sa fb"

Natatawang tugon naman ng singer-actress,

"Me ganun?"

Samanatala, sa huling panayam naman ni Jeric sa PEP noong Agosto 2020, mariin din niyang pinabulaanan ang nasabing alegasyon at sinabi na "purely professional" lamang ang relasyon nila ni Sheryl.

Kagaya ni Sheryl, sinabi din ni Jeric na maaaring nais lamang ng mga fans ng kanilang teleserye na mauwi sa totohanan ang kanilang tambala.

Ayon kay Jeric, imbis na mabahala sa pagbibigay kulay ng marami sa kanilang pagsasama sa teleserye, natutuwa pa daw siya dahil ito ay dahil sa show na gusto sila ng tao at sinusuportahan ng marami ang kanilang palabas.

Si Jeric at ang kaniyang non-showbiz girlfriend ay naghiwalay noong Enero 2020 dahil umano sa aktres.

No comments:

Post a Comment