Monday, January 3, 2022

Sharon Cuneta At Gabby Concepcion, Proud Na Proud Sa Bagong Achievement Ng Kaniyang Anak Na Si KC Concepcion


Proud na proud sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta sa bagong achievement ng kanilang anak na si KC Concepcion.

Sa isang Instagram post, sinabi ni KC na noong umiinom umano siya ng wine at kumakain ng pizza ay bigla na lamang niyang napagtanto na ang pagtira sa isang condominium unit ay marahil hindi para sa kaniya.

Aniya,

"All I know is, some good decisions come from the most unexpected (unguarded) moments... as for me, my enlightenment came from pizza and a glass of wine."



Si KC ay mayroong pag-aari na condominium unit na binili niya noong taong 2009 na nakuha niya gamit ang kaniyang sariling pera.

Ilang buwan lamang ang nakakalipas matapos niyang ibahagi ang kaniyang plano na lumipat ng bahay, kalaunan ay napag-isip isip ni KC na iwan na ang kaniyang condo life para magkaroon ng bahay na matatawag niyang sa kaniya.



Sa Instagram post noong Mayo 4, ipinakita ni KC ang screenshot ng pag-uusap nila ng kaniyang ama na si Gabby Concepcion.

Ani KC,

"Words of encouragement from papa. Moving from a condo to a house is so intimidating! But I got this."

Dagdag pa niya,

"My pops happens to be a licensed real estate broker in California. Grateful to get tons of real estate advice! Thanks for looking out pa!"



Inihayag ni Gabby ang saya na nararamdaman dahil sa isa sa mga bucket list ni KC ang kaniyang natupad, ito nga ay ang pagbili ng kaniyang sariling bahay.

Saad ni Gabby,

"Wow. You've got it all figured out. That's my girl."



Samantala, may text message din na ipinadala si Sharon para sa anak ni KC. Saad niya,

"Wow, Am so proud of you!"

Ito ay ibinahagi din ni KC sa kaniyang Instagram at nilagyan ito ng caption na,



"The only words an independent woman will ever need from her mother to keep her going. Rare, and definitely not taken for granted. Love all around."

No comments:

Post a Comment