Saturday, January 8, 2022

Ito Pala Ang Tunay Na Dahilan Kung Bakit Naghiwalay Sina Maxene Magalona At Robby Mananquil


Usap-usapan ngayon sa social media ang diumano'y posibleng hiwalayan ni Maxene Magalona at ang kaniyang asawa na si Robby Mananquil. Napansin ng mga netizens na nag-iba na ang pangalan ni Maxene nang palitan niya ito mula Maxene Magalona Mananquil to Maxene Magalona na lamang sa kaniyang Instagram account. In-unfollow na din ng aktres sa kaniyang Instagram si Rob.

Sa pag-unfollow ni Maxene sa kaniyang asawa, maraming spekulasyon ang kumalat sa social media na baka nagkakalabuan na ang relasyon ng dalawa. Hindi lamang si Maxene ang nag-unfollow kay Rob dahil maging ang huli ay in-unfollow din ang kaniyang misis.

Ayon din sa ilang showbiz reporter,

"Iba na ang kutob namin noon pa man sa mag-asawang Maxene Magalona at Rob Mananquil. Kahit na nababanggit pa rin ni Maxene ang mister sa ilang Instagram post niya at noong Christmas ay kasama pa rin ni Maxene ang pamilya Mananquil, minus Rob na nasa Bali, Indonesia pa rin."


Advocate ng yoga, meditation, healing, peace sina Maxene at Rob kaya tiyak na marami ang nagugulat kung mauuwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama. Pareho rin silang "trauma survivor" tulad nang ibinabahagi nila. Pareho namang positive ang mga post nina Maxene at Rob sa pagpasok ng 2022. Siguradong may malalim na dahilan ang pag-a-unfollow at pag-edit-out ni Maxene ng surname ng asawa niya.

Hindi naman napigilan ng ilang netizens na magbigay ng kanilang komento tungkol sa posibleng problema sa pagitan nina Maxene at Rob. 

Komento ng ilan, "I am not a fan of them. But I do hope that they are not separated, especially if the reason is just a trivial one. Separation annulment or divorce is emotionally, mentally, and financially exhausting."


Samantala, sinagot naman ni Maxene ang mga balita sa mga nagtatanong tungkol sa kaniyang personal na buhay. 

Aniya,

"It is not polite to ask people about their personal lives, especially when you don’t know them personally. And even if you do know them, you should give them space and wait for them to open up to you instead of prying and wanting to invade their privacy.

"Gossip is a form of energy leak. It's better to spend your energy praying rather than gossiping. Inner peace is achieved when we focus on ourselves and not on the lives of others. God is love."

Dagdag pa ng aktres,

"If you are wondering why I am happy and at peace, it is because I strengthen my connection to God every day. I even sing to him when I'm overflowing with gratitude."


Taong 2014 nang pagtagpuin ng tadhana sina Maxene at Rob nang manonood sana si Maxene ng isang gig ng banda sana na kaniyang papanoodin kasama ang kapatid na si Elmo Magalona. Di kalaunan ang nagkamabutihan ang dalawa at nauwi nga sa dalawang beses na kasalan noong 2018. Una ay ginawa ito sa isang church wedding sa Manila kung saan pribado ang seremonya. Matapos ang kanilang church wedding, sa Boracay naman ginanap ang kanilang bonggang kasal kasama ang mga kaibigan.

Sa loob ng mahigit na tatlong taong pagsasama ng dalawa bilang mag-asawa, hindi nabalot ng intriga ang kanilang pagsasama. Marami pa nga ang humahanga sa tila cool lifestyle ng dalawa. Parehong fitness enthusiast ang couple na mahilig din sa meditation at yoga.

At ngayong pagpasok ng bagong taon, iba na ang pangalan ng aktres sa kaniyang Instagram at naka-unfollow na din ang kaniyang asawa. Kaya hinala ng ilan, tila ang pagkakahiwalay ng dalawa physically by not living together ay nakaapekto sa kanilang buhay mag-asawa. 

Kamakailan ay naging abala naman si Maxene sa kaniyang proyekto sa ABS-CBN kung saan kabilang siya sa mga cast ng Viral Sc4ndal. Sa ngayon, nananahimik pa sina Maxene at Rob sa tunay na estado ng kanilang pagsasama.

No comments:

Post a Comment