Tuesday, January 4, 2022

Francis Leo, Sinasabi Na Mayroon Umanong Utang Sa Kaniya Na Bilyong Piso Si Sen. Manny Pacquiao


Ibinunyag ng isang matalik na kaibigan ni Francis Leo Marcos (FLM) ang tungkol sa pahayag na ikinakalat ng internet celebrity sa kaniyang mga supporters.

Sa isang press conference, inihayag ni Mary Ann Faustino o mas kilala sa kaniyang nickname na "Nanay Mary Ann" ang tungkol sa sinasabi umano ni FLM para mapahanga at mapabilib sa kaniya ang kaniyang mga supporters.

Ayon kay Mary Ann, nabanggit na umano ni FLM ang mga pangalan nina President Rodrigo Duterte, Davao City Mayor Inday Sara Duterte at Senator Manny Pacquiao sa kaniyang mga supporter.


Sa pahayag ni Mary Ann, sinabi niya na tinawag umano noon ni FLM si Inday Sara na "trapo." Sinasabi din umano nito na mayroong utang sa kaniya si Senator Pacquiao ng isang bilyong piso.

Hiling pa ni Mary Ann na sana ay magsalita si Pacquiao tungkol sa isyu upang malinis ang pangalan nito dahil sa mga sinasabi ni FLM laban sa kaniya.


Saad ni Mary ANn,

"Senator Manny Pacquiao sir, Mr. Senator, sana po magsalita kayo at ma clear ang pangalan niyo dahil ipinagkakalat po sa socmed ni Norman Mangusin a.k.a FLM na may utang daw po kayong 1.7-B."

Dagdag pa niya,

"Magsalita po kayo sir para malaman ng sambayanang Pilipino dahil malaki po itong kasiraan sa iyong pangalan."


Handa naman ilapag ni Mary Ann ang mga ebidensya para patunayan ang kaniyang mga sinasabi.

Samantala, hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang kampo ni Senator Pacquiao tungkol dito.

Sinabi pa ni Mary Ann na hindi na ginagamit ni FLM ang kaniyang pera sa kaniyang "Mayaman challenge" kundi ang inilalabas na lamang niya ay ang mga pera na ipinadala ng mga OFWs para sa kaniya.

Matatandaan na ngayon ay nakakulong si FLM dahil sa iba't ibang mga kaso na kaniyang kinakaharap, kasama na dito ang pagpapalit umano niya ng kaniyang pangalan at ang panloloko niya sa mga nais maging OFWs.

No comments:

Post a Comment