Karamihan sa mga vloggers ngayon ay ginagawa na ang "Tagalog for 24 Hours" challenge kung saan sila ay magsasalita ng Tagalog sa buong araw.
Masaya at bibong bibo naman na tinanggap ng isa sa mga anak ng boxing champ at senator Manny Pacquiao na si Mary ang naturang hamon at ito ay ini-upload niya sa kaniyang YouTube channel.
Sa umpisa ng kaniyang vlog, inamin ni Mary na siya ay hindi "fluent" pagdating sa pagsasalita ng Tagalog.
Bukod sa Tagalog Challenge, inire-request din ng kaniyang mga fans na magkaroon siya ng Bisaya version ng naturang hamon. Ngunit, sinabi ni Mary na kakailanganin niya ng tulong mula sa kaniyang Mommy Jinkee kung sakali man na tanggapin niya ang hamon.
Sa ngayon, ginawa muna ni Mary ang Tagalog challenge kasama ang kaniyang kapatid na si Queenie. Nagbigay din ng closet tour si Mary sa naturang vlog at nagkaroon din siya ng photoshoot.
Habang ipinapakita ang kaniyang closet, sinubukan ni Mary na magsalita gamit ang wikang Tagalog at makikita na sinusubukan niya talagang ayusin at magdiretso sa pagsasalita ng Tagalog. Ngunit, sa tuwing hindi na alam ni Mary ang sasabihin sa Tagalog, siya ay magsasalita na ng Ingles o di kaya ay Visayan.
Sa kaniyang closet tour, ipinakita ni Mary ang kaniyang walker clothes, ang kaniyang mga damit sa pagsamba, school uniforms, at kahit ang kaniyang mga bag.
Nag-volunteer pa nga si Queenie na maging make-up artist niya para sa kaniyang photoshoot.
At muli na namang sinubukan ni Mary na magsalita ng purong Tagalog habang nagbibigay ng ilang tips sa kaniyang mga fans sa kung paano sila kukuha ng kanilang larawan nang walang tulong mula sa ibang tao.
Humingi naman ng paumanhin si Mary dahil minsan ay gumagamit siya ng TagLish o napaghahalo niya ang Tagalog at Ingles.
"Sorry kung TagLish ako sometimes. Pero ganun talaga ako hindi ako fluent."
Samantala, marami naman sa mga netizens ang naaliw sa Tagalog Challenge vlog ni Mary.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"May kaunting glimpse kayo sa bahay pero si Mommy ang mag-full house tour dito."
"Hahaha yung feeling na hirap siya mag-tagalog..tapos ako hirap mag-English"
"When she talked tagalog her accent sound bisaya so cute...proud bisaya here"
"Yung kahit hindi fluent sa Tagalog pero hindi maarte pakinggan ahhahaha apaka-cute mo"
No comments:
Post a Comment