Wednesday, January 12, 2022

Kris Aquino, Ginulat Ang Marami Dahil Sa Video Update Niya Tungkol Sa Kaniyang Kalusugan


Nagbigay ng panibagong update ang actress-TV host na si Kris Aquino tungkol sa kalagayan ngayon ng kaniyang kalusugan.

Sa isang mahabang post sa kaniyang Instagram ngayong Miyerkules, January 12, ibinahagi ni Kris na malayo pa sa recovery phase ang kasalukuyang kalagayan ng kaniyang kalusugan. Ngunit sa kabila nito, nais pa din ni Kris na magbahagi ng tulong sa kaniyang kapwa, lalo na sa mga nangangailangan.

Ayon sa kaniya, ito ang kaniyang paraan upang makabawi sa maraming Pilipino na walang sawang nagpakita ng pagmamahal, kabutihan, at suporta sa kaniya at sa kaniyang pamilya.


Pahayag ni Kris,

"Inamin ko na malayo sa okay ang kalusugan ko… pero ginagawa pa rin namin ang lahat ng kakayanin sa ngayon, para makatulong sa kapwa.

"Simple ang dahilan ko, hindi nyo kami iniwan nung kami ang nangangailangan… i am just reciprocating in the way i am at present able to, the LOVE, SUPPORT, KINDNESS, COMPASSION, and LOYALTY many Filipinos have give me and my family, especially now that many need assistance. Lahat ng napangakuan, ginagawan ng paraan na matupad bago mag January 25, birthday in heaven ng mom ko."

Hiling din ni Kris sa kaniyang mga followers at mga netizens na huwag batikusin ang kaniyang mga doktor at nurse dahil sa hindi nila paggamit ng gloves sa mga video na kalakip ng kaniyang post.


Saad ng aktres,

"Isang request lang po, please don’t scold my nurse for not wearing gloves during our IV insertion- ako po ang nag request na tanggalin na nya kasi naubusan na ko ng veins for the IV line, fragile & weak kasi ang mga ugat ko. Whether doctor or nurse, inaabot minsan ng 8 attempts to get the line successfully in."

Ayon pa kay Kris, alam niya na mahaba pa ang laban na kailangan niyang mapagtagumpayan upang maibalik ang kaniyang dating sigla dahil na din sa kaniyang s4kit at sa paghihiwalay nila ng fiance ng si Mel Sarmiento. 


Ngunit sa kabila ng mga pinagdadaanan ni Kris ngayon, nananatili lamang daw siyang positibo at patuloy na lalabanan ang kaniyang sakit lalo na at mayroon siyang mga anak na umaasa sa kaniya.

Pagbabahagi ng Queen of All Media,

"Mahaba pa ang laban ko to strengthen my body & heal my broken heart… BUT from childhood i already knew, for me weakness could never be an option… especially NOW because i have kuya josh & bimb who still need me to love, care, and provide for them. Para sa dalawang pinakamamahal ko, hindi ako susuko."

Sa mga larawan na kalakip din ng nasabing post ni Kris, makikita dito ang ilang pagkain, bouquet of flowers at iba pang mga bagay. Ngunit hindi na pinangalanan pa ng TV host kung kanino galing ang mga ito.

Saad niya,

"P.S. to protect the privacy of the very thoughtful friends who sent me flowers, balloons, fruits, home cooked food, Rosaries, prayer books, ice cream, and so much more i am refraining from any gratitude posts.

"To all, please know how much your thoughtfulness & gestures of caring especially your messages and hand written cards have uplifted me. At least now i know sino ang totoong nagmamahal at maaasahan, at sino ang makasarili at fake lang pala. (Hindi po yung ex fiancé ang pinatatamaan, kung sya pinangalanan ko na lang.)

No comments:

Post a Comment