Tuesday, January 4, 2022

Kasambahay, Nakakita Ng Isang Bundle Ng Pera Habang Naglilinis, Pinagdudahan Na Isa Lamang Itong 'Honesty Test' Para Sa Kanya


Minsan ang ibang amo ay gumagawa ng iba't ibang paraan para masubukan ang kanilang mga katulong o kasambahay upang mapatunayan na sila ay tapat sa trabaho at hindi magalaw ang kamay. 

Sila ay nag nagsasagawa ng isang 'honesty test' na kung saan masusubok ang katapatan ng kanilang mga kasambahay sa kanila.

Sa panahon natin ngayon, hindi maipagkakaila na isa ang katapatan sa pinakamahalagang bagay na kailangan natin, lalo na kung hindi naman natin kilala ang tao na ating makakasalamuha lalo na sa panahon natin ngayon kung saan marami ang manloloko at hindi mapagkakatiwalaan.

Katulad na lamang ng naranasan ng isang OFW domestic helper matapos siyang makakita ng isang limpak limpak na pera habang nililinis niya ang bahay ng kaniyang amo.

Sa kaniyang post, ibinahagi niya na noong nakaraang linggo umano ay inutusan na siya ng kaniyang amo na linisin ang bahay. Gayunpaman, ito ay nagawa lamang niya noong mismong araw na natagpuan niya ang isang bundle ng pera.

Napansin umano niya na nakasingit sa isang sulok ang bundle ng foreign money. Ngunit, hindi sumagi sa isipan ng dosmetic helper na kuhanin ito kahit gaano pa ito kalaki at kahit pa man siya ay nangangailangan.

Saad ng Pinoy OFW sa Malaysia,

"Pa post po admin... share ko lang. sabi ng amo ko last week simulan ko na daw mag linis. Pero ngayon lang ako maglilinis tas ito makikita ko sa taas, ano to pain? lah! di ako nasisilaw. may sahod naman ako, padaanan ko lang ng basahan yan."

Sa post ng domestic helper, tila hinayaan na lamang niya ang pera sa lugar kung saan niya ito nakita. Ito ay dahil nagdududa kasi siya na baka siya ay sinusubukan lamang ng kaniyan amo kung siya ba ay masisilaw sa pera at kung ito ay kukuhanin niya.

Mabuti na lamang at walang intensyon na masama ang domestic helper.

Samantala, saad naman ng ibang netizens na sana ay kinuha niya umano ang pera at ibinalik sa kaniyang amo. Ang iba naman ay nagsasabi na tama lamang ang ginawa niya na hayaan ang pera sa lugar kung saan niya ito natagpuan para malaman din ng kaniyang amo na siya ay walang ginalaw doon.

No comments:

Post a Comment