Saturday, January 15, 2022

Regine Velasquez, Nagulat Sa Ibinahaging Donasyon Nina Vice At Ion Sa Mga Nasal4nta Ng Bagy0ng Odette


Talagang hindi na napigilan pa ni Asia's Songbird Regine Velasquez ang mapapalakpak matapos malaman na kalahating milyong piso ang binigay na donasyon ng celebrity couple na sina Ion Perez at Vice Ganda para sa mga bikt1ma ng Bagyong Odette.

Si Regine ang isa sa mga artista na tampok sa benefit concert ng ABS-CBN na ginanap bago sumapit ang Kapaskuhan noong nakaraang taon upang makalikom ng tulong para sa ating mga kababayan na nasalanta ng bagyong Odette.

At dahil sobrang iniidolo ni Vice si Regine, talagang nakaabang ang TV host-comedian para sa mga kantang aawitin ng singer. Nagbiro pa si Regine kay Vice na kailangan muna niyang mag-donate ng P100,00 para kantahin niya ang request nitong awitin.


Kalaunan ay sinabi ni Vice na magbibigay siya at ang kaniyang boyfriend na si Ion ng P500,000 upang ibigay sa ating mga kababayan na nasalanta ng Bagyong Odette.

Hindi makapaniwalang sambit ni Regine,

"Woo, oh my gosh! oh my gosh! Bakla may gusto ka pa bang kanta?"


Ang donasyon na ibinigay nina Vice at Ion ay bahagi lamang ng mahigit isang milyong piso na kanilang nalikom upang ibigay sa ating mga kababayan na nangangailangan pa din ng tulong dahil sa pinsalang dulot ng bagyong Odette sa kanilang lugar.

Samantala, hindi ito ang kauna-unahang nag-abot si Vice ng tulong para sa mga Typhoone Odette victimes dahil bago pa ang nasabing benefit concert ng ABS-CBN ay nagpadala na ang "Its Showtime" host ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyo kung saan ibinigay niya ang buong halaga ng kaniyang talent fee.

Si Vice Ganda ay isa sa mga kilala at hinahangaang actor, television host, at komedyante sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Bukod sa kaniyang husay pagdating sa pag-arte at pagpapatawa, napakabusilak din ng puso ni Vice Ganda, lalo na sa mga kababayan niyang nangangailangan. Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit marami pa din ang humahanga at umiidolo sa kaniya.

No comments:

Post a Comment