Sinusubukan muli nina Julia Barretto at Dennis Padilla na ayusin ang kanilang relasyon bilang mag-ama.
Nito lamang, nabanggit ni Dennis ang mabigat na dinadala niya tungkol sa kaniyang anak na si Julia dahil sa kagustuhan ng huli na palitan ang kaniyang apelyido mula sa family name ni Dennis na Baldivia sa family name ng kaniyang ina na Barretto noong taong 2014.
Ani ng komedyante,
“It’s not the pangalan itself. That’s my blood, kaya mas4kit iyon.
“Kasi kumbaga, parang… ito ba ang gusto niyo? Barretto na nga ang dala mo sa screen, bakit tatanggalin niyo pa ang apelyido ko? Mas4kit sa akin iyon.”
Samantala, sa bagong vlog naman na ini-upload ni Julia sa kaniyang YouTube channel, ipinaliwanag niya sa kaniyang ama na tinatama lamang niya ang mali dahil ang kasal ng kaniyang mga magulang ay 'null and void.'
Si Dennis ay nagpakasal kay Marjorie Barretto noong Nobyembre 14, 1997, walong buwan matapos ipanganak si Julia noong Marso 10, 1997.
Ngunit ang petisyon ni Julia na baguhin ang kanyang apelyido ay hindi natulak. Hanggang ngayon ang kanyang totoong pangalan ay Julia Baldivia pa rin.
Nabanggit din ng aktres ang tungkol sa hindi pagkakaintindihan sa pagitan niya at ng kaniyang ama.
Aniya,
“I didn’t ever give up on our relationship. I was never, ‘He hurt me. He traumatized me. I’m never gonna try with my relationship with him again.’ Because if I had given up, we wouldn’t be talking right now. But I kept trying. That was pa1nful for me.
“I was fighting so hard for our relationship despite all the words thrown at me by my own dad. I understand your frustration.”
Dagdag pa ng aktres,
“Nobody was talking to you, but you have to look at why aren’t we talking to you. Why were we so scared to talk to you? You have to understand there was so much pain. There was so much fear.”
Maliban kay Julie, si Dennis ay mayroon ding dalawa pang anak kay Marjorie, sina Leon at Claudia.
No comments:
Post a Comment