Saturday, January 1, 2022

Edgar Allan Guzman, Niregaluhan Ang Kaniyang Ina Ng Bahay Ngayong Pasko


Sinurpresa kamakailan lamang ng aktor na si Edgar Allan Guzman ang kaniyang mahal na ina sa regalo nitong bahay para dito.

Matatandaan na noong nagsisimula pa lamang ang aktor sa kaniyang showbiz career ay inihayag na niya ang kaniyang kagustuhan na matupad ang kaniyang pangarap na magkaroon sila ng sariling bahay dahil umuupa lamang sila ng bahay kasama ang kaniyang ina at mga kapatid.

Sa huling panayam sa kaniya ng Bandera noong Enero 24, 2020 sa mediacon ng pelikulang "Coming Home" bago magkaroon ng lockdown sa buong Pilipinas dahil sa C0VID-19, muling nabanggit ni EA na talagang labis ang kaniyang pag-iipon upang maipatayo ang bahay ng kaniyang nanay bago sila ikasal ng kaniyang longtime girlfriend na si Shaira Diaz.


Sa naturang panayam, sinabi ng aktor na siya ay nakabili na ng lupa na pagtatayuan ng pangarap niyang bahay para sa kaniyang ina.

Saad ng aktor,

"Pangarap kong patayuan this year (2020) kasi ayokong mag-loan sa bangko, gusto ko (galing) sa sarili kong bulsa kaya nag-iipon pa kaya medyo na-delay ng konti. Gusto ko kapag itinayo ko may matitira pa rin sa akin kahit paano, ayoko ng all out."


At ngayon nga ay natupad na ni Edgar Allan ang kaniyang pangarap para sa kaniyang mama Sarri Guzman na bigyan ito ng sariling bahay. 

Sa kaniyang Instagram post nitong Linggo lamang, ibinahagi ni EA ang isang video kung saan makikita ang priceless reaction ng kaniyang ina matapos makita ang naturang surpresa na ito ng aktor para sa kaniya.

Saad sa caption ng post,

“About last night. Priceless moment of my life. This is for you! Merry Christmas, Ma! Enjoy our new house, AKO NAMAN MA (heart and house emoji).”

Pagkatanggal ng piring sa kaniyang mga mga ay tinanong si EA ng kaniyang ina at sinabing, "Ano yun?"

Sagot naman ni EA, "Merry Christmas, bahay mo!"

Hindi naman napigilan ng ina ni EA na mapahiyaw sa sobrang gulat at maging emosyonal dahil sa hindi siya makapaniwala sa regalong handog ng kaniyang mahal na anak sa kaniya.

No comments:

Post a Comment