Wednesday, January 5, 2022

Derek Ramsay, Nagulat Sa Emosyunal Na Mensahe Ni Ellen Adarna Para Sa Kaniya


Para sa aktor na si Derek Ramsay, ngayong taon ang isa sa mga espesyal na taon para sa kaniyang pagdiriwang ng kaniyang ika-45 na kaarawan. Ito ay dahil kasama niyang ipagdiwang ang espesyal na okasyon na ito kasama ang kaniyang asawa na si Ellen Adarna sa kauna-unahang pagkakataon. 

Ito din ang unang beses na ipagdidiwang ng aktor ang kaniyang kaarawan na isa na siyang married man.

Sa kaniyang Instagram post noong December 7, ibinahagi ni Derek ang kaniyang simple ngunit romantic birthday celebration. Ipinasilip din ng aktor ang regalong kaniyang natanggap mula sa kaniyang misis na si Ellen para sa kaniyang ika-45 na kaarawan.


Sa kabilang banda, isang sweet na mensahe naman ang ibinahagi ng sexy actress para sa kaniyang msiter. Ayon kay Ellen, si Derek ang siyang nagpapaganda ng kaniyang umaga sa tuwing siya ay nagigising sa tabi nito bawat araw. Ibinahagi din ni Ellen ang mga never before seen photos ng kaniyang minamahal na mister.

Sa nasabing mga larawan, makikita ang ilang mga stolen na larawan ng birthday boy. Ibinahagi din ni Ellen ang mga sweet moments ng kaniyang anak na si Elias Modesto at ni Derek. Itinuring na din na tunay na anak ni Derek si Elias kahit pa si John Lloyd Cruz ang tunay nitong ama.


Pahayag ng aktres,

"You make my morning more beautiful. I love you forever Gor. Happy birthday Dump."

Samantala, marami namang mga kapwa celebrities at mga netizens ang nagpahayag ng kanilang pagbati para sa kaarawan ni Derek.

Matatandaan nitong November 11 lamang nang ikasal sina Derek at Ellen sa isang romantic ceremony sa Bataan na dinaluhan lamang ng kanilang mga kamag-anak at ilang mga malalapit na kaibigan. 


Na-engaged sina Derek at Ellen noong February 2021 lamang isang buwan matapos maging opisyal ang kanilang relasyon. Gayunpaman, kahit napakabilis ng pangyayari para sa kanilang relasyon, wala namang pinagsisihan ang dalawa dahil talagang mahal na mahal nila ang isa't isa.

No comments:

Post a Comment