Tuesday, January 4, 2022

Claudine Barretto, May Sinabi Tungkol Sa Kaniyang Pamangkin Na Si Julia Barretto Na Ikinagulat Ng Publiko


Sa kabila ng pagkakaroon ng hindi niya pagkakaunawaan sa kaniyang nakatatandang kapatid na si Marjorie Barretto at sa kaniyang mga anak, lalo na kay Julia Barretto, nananatiling tapat si Claudine Barretto sa kanilang pamilya matapos niyang ipagtanggol ang kaniyang 24-anyos na pamangkin na si Julia dahil sa alegasyon na bagsak na umano ang career nito.

Ayon kay Claudine, hindi umano niya naiisip na ganoon na lamang kadali babagsak ang career ni Julia sa kabila ng mga batikos na kaniyang natatanggap.

Aniya,

“Alam naman ng lahat na masama ang loob ko kay Julia,” she began, correcting the term “pabagsak na” in the question. “Pagkakaintindi ko kasi she’s not just given the right projects. Even if wala pang tsismis kay Julia nun …we were all just waiting for the good project to come to her. Kasi ang problema ang dami nila, may Jadine, Kathniel, Lizquen, Joshua, ngayon Jurald… I’m just waiting.”


Dagdag pa ng aktres,

“Medyo nega nasusulat sa pamangkin ko pero at the end of the day, pamangkin ko pa rin yon, e!”

“’Di ako naniniwala na babagsak,” she stressed, drawing parallels to her life story. “Kasi sa akin nangyari na ‘yan, ilang beses na, lalo na nung rebellious days ko. Si Julia hindi bumagsak, naging nega lang siya. We just need a good project for her because dugong Barretto ‘yan, magaling at may dugo din ni Dennis Padilla yan, magaling din!”


Sa panayam ni Toni Gonzagda, sinabi ni Marjorie Barretto na kahit pa man siya at ang kaniyang dalawang kapatid ay mayroong hindi pagkakaintindihan, palagi pa din niyang hinihiling ang kapayapaan para sa kanilang dalawa.

Saad ni Marjorie,

“And when some people who think na, ‘Who am I to say that, I’m not in good terms with my two other sisters.’ It’s not out of hate. It’s out of… peace muna. Parang there’s just more peace when, in that space.


“Parang there’s just too much pain na it’s just gonna be more peaceful kung hindi bati. But it doesn’t mean that karga-karga ko araw-araw, na nagigising akong galit na galit sa kanila. Hindi, e, hindi ganun, e.”

Dagdag niya,

“Definitely, not from a place of hate. Well, I don’t look back at it na masakit pa yung dibdib ko or I won’t wish ill of them.

“Di ba ‘pag galit ka, ‘pag hate mo yung tao, di ba? Gusto mo masamang mangyari. Wala ako dun. It’s not coming from a place of unforgiveness. I just want peace.”

No comments:

Post a Comment