Thursday, January 6, 2022

Baba Vanga, Nagbigay Ng Kaniyang 8 Na Nakakagimbal Na Prediksyon Ngayong 2022


Sa pagpasok ng taong 2022, hindi natin maiaalis kung ano-ano nga ba ang mga bagay na maaaring mangyari sa taong ito - kung ano ang mga kalamidad, sakuna, at deluby0 na maaari nating kaharapin upang maihanda at mailigtas natin ang ating mga sarili sa mga bagay na posibleng mangyari. Dito na papasok ang mga kilalang manghuhula dahil karamihan sa kanilang mga prediksyon ay nagkatotoo.

Isa na nga dito si Baba Vanga. Ngunit bago natin alamin ang kaniyang mga predisyon para sa taong 2022, atin munang kilalanin kung sino nga ba si Baba Vanga.

Si Baba Vanga ay isang kilalang clairvoyant o manghuhula na galing sa bansang Bulgaria. Siya ay ipinanganak noong 1911 at n4m4tay noong 1966. Sa kasamaang palad, si Baba Vanga ay nabulag dahil sa isang aksid3nte na siya ding dahilan kung bakit niya nakuha ang kakaibang kakayahan na makakita ng anumang mangyayari sa hinaharap o tinatawag din na premonition.

Ang kaniyang mga prediksyon ay talaga namang sumikat dahil sa 85% na accuracy nito at marami din dito ang nagkatotoo. Isa na nga dito ang trahedya noong September 2001 sa pag-atake sa twin towers. Nahulaan din niya ang tungkol sa pagk4matay ni Princess Diana at paglamon ng tubig sa mga lupain ng Japan. Nahulaan din niya ang iba pang mga kalamidad na nangyari sa buong mundo bago pa ito mangyari.

Ang lawak ng kaniyang connection ay umabot hanggang sa taong 5079 at dito sa taong ito ay sinasabi niya ay matatapos na ang mundo. Ito ang pinaka-nakakakilabot na maaaring danasin ng sangkatauhan.

Ngunit ngayon ay alamin natin ang kaniyang prediksyon sa para taong 2022.

1. S4kit sa glaciers

Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na unti-unti na ngayong natutunaw ang mga glaciers dahil sa pag-init ng temperatura ng ating mundo o tinatawag na global warming. Dahil sa kaniya, madidiskubre ng mga siyentipiko ang isang napakadelikadong s4kit na kakalat ng napakabilis at kik1til ng napakaraming buhay, hindi lamang ng mga tao kundi pati na din ang mga hayop. Base sa mga ginawang pagsusuri, 33 ang kabuuan ng virus ang kanilang nakita at apat na dito ang nakilala na sa mundo. Pero ang 28 dito ay hindi pa natutukoy at ang nakakatakot pa ay halos kalahati sa kanila ay nabuhay kahit sila ay na yelo na. Ang lahat ng ito ay nakasulat sa kanilang pananaliksik noong July 2021.

2. Kakulangan sa tubig

Aabot diumano sa pinakamataas na lebel ang pagkadumi ng tubig sa iba't ibang parte ng mundo at dahil dito ay ang tubig na maiinom ay magiging pinaka-importanteng resource na sa buong mundo. Ang epekto nito ay tataas ang presyo nito dahil napakahirap na nitong makita. 

3. Ang mga aliens ay aatake na sa ating planeta

Magkakaroon na tayo ng interaksyon sa mga nilalang na hindi galing sa ating planeta. Isang sasakyan ng mga taong ito ay aatake sa ating mundo at bob0mbahin nila ang mga siyudad at dadakpin nila ang mga tao para pag-eksperimentuhan.

4. Pagbukod ng Mars

Isang kolonya sa planetang Mars ang gagawa ng isang nuclear power at isusulong nila ang kanilang pagbukod sa planetang Earth sa taong 2170 hanggang 2256. 

5. Ang napakatinding tagutom

Makakaranas diumano ng matinding tagutom ang sangkatauhan dahil sa pagbabago ng panahon. Dadating din umano sa punto na tayo ay kakain na lamang ng kung ano ang ating makikita sa ating kapaligiran katulad ng mga halaman, insekto, at mga putik. Mayroon ding isang pag-atake ng mga insekto sa Africa at tatamaan nito ang mga serial lands dahilan para magkaroon ito ng pangmalawakang epekto tulad ng hindi pagkakaunawaan ng mga puwersa at matinding tagutom sa populasyon.

6. Pagbaha at pagkatuyo

Sinasabi na babahain at matutuyo ang ating mundo. Ayon sa United States of America, ang 2022 ay magre-record ng napakatinding tagtuyot sa kasaysayan ng ating planeta. Marami sa mga bansa ang mawawalan ng makakakain, masusunog ang mga kabataan, at ang ilog ay unti-unting matutuyo. Ang ibang bahagi naman ng mundo ay makakaranas ng matinding tag-ulan na hindi pa nila nararanasan kahit kailan. Ang China naman ay makakaranas din ng isang sakit na galing sa tubig dahilan ng pagk4m4tay ng napakaraming tao. Hindi din makakaligtas ang Japan mula sa sakuna at ang tagutom ay wawasakin ang pinakamahirap na parte ng Africa.

7. Masamang epekto ng virtual realities

May mga virtual realities na sa sobrang confusing nito ay tila talaga tayo ay nakakaranas ng katotohanan. Magkakaroon din ito ng kakaibang epekto dahil sa maraming oras ang ginugugol natin ay ang epekto nito ay ang ating memorya at ang ating kakayahan na matuto sa mga bagay bagay ay mawawala. At kalaunan ay magiging zombie na tayong lahat.

8. Ang pagkontrol ng dragon sa sangkatauhan

Ayon kay Baba Vanga, isang malaki at malakas na dragon ang hahawak sa sangkatauhan. Ang tatlong higante ay magkakaisa. May mga taong magkakaroon ng pulang pera at may nakikita din siyang numero na isang daan, lima, at napakadaming zeros.

No comments:

Post a Comment