Sunday, January 16, 2022

Cristy Fermin, Nanindigan Pa Din Sa Kaniyang Pahayag Na Bunt1s Ang Aktres Na Ito


Nanindigan pa din ang showbiz reporter at radio host na si Cristy Fermin na totoong nagdadalang tao ang singer na si Angeline Quinto matapos kumalat sa social media ang tungkol sa tunay na kondisyon ngayon ng aktres.

Sa kaniyang radio program na Take It Per Minute, Meganon kasama sina Mr. Fu at Lolit Solis, ibinunyag ni Cristy ang tungkol sa rebelasyon na sinabi ng kaniyang source tungkol sa kalagayan ngayon ni Angeline.

Ayon sa showbiz reporter, kahit pa itago ni Angeline sa publiko ang kaniyang tunay na kalagayan ay may ilan ng kumpirmasyon mula sa kaniyang mga sources na totoong nagdadalang tao ang singer sa kaniyang non-showbiz boyfriend.


Nagbigay din ng iba pang detalye si Cristy tungkol sa kasintahan ni Angeline.

Pagbubunyag ni Cristy,

"Ako ang alam ko nagdadalantao talaga siya, three to four months.

"Ang kwento ng aking source, na hindi nanunun0g at nangungury3nte. Isang balsad0r ng baraha, sa isang casin0. Dealer."

Dagdag pa ni Cristy, ang kasintahan pala ngayon ni Angeline ay dating kababata ng ASAP singer.


Paglilinaw ni Fu, "Nagka-casino ba si Angeline?"

Sagot naman ni Cristy, "Kababa pala niya ito sa Sampaloc."

Nagkaroon din ng espekulasyon ang tatlo kung paano muling nagkatagpo ang dalawa makalipas ang ilang taong hindi pagkikita, lalo na ngayon na magkalayo ang industriya na kanilang tinatahak.

Saad ni Lolit,

"Di ba kumakanta siya sa isa sa mga casino."

Ani Fu, "Oh di nagkatagpo muli."

Nagbitiw naman ng salita si Lolit na ngayon ay usap-usapan na sa social media, "Tsaka mabuti na noh, at least may pumatok sa kaniya."


Mabilis naman na pinagtanggol ni Fu si Angeline at sinabi na napakagandang bata nito.

Ngunit, para kay Lolit ay hindi umano maganda si Angeline. 

Aniya, "Parang hindi naman."

Ngunit pinagtanggol lamang ni Fu si Angeline mula sa mga pinagsasabi ni Lolit at sinabing napakaganda ni Angeline. Bukod pa diyan ay napakabait din nito at may angking talento pagdating sa pagkanta.

Ani Fu,

"Maganda si Angeline, maganda ang boses at mabait."

No comments:

Post a Comment