Nito lamang ay muling nagbigay ng update si Kris Aquino tungkol sa kaniyang kalagayan at kalusugan. Inilabas ng celebrity mom ang kaniyang life update matapos mai-post sa social media ang kaniyang tell-all video.
Sa kaniyang online post, inamin ni Kris na siya ay nakikipaglaban pa din sa kaniyang autoimmune condition na siyang dahilan din ng biglaang pagbaba ng kaniyang timbang at pagkaranas ng ins0mnia. Dito ay inihayag din ng celebrity mom ang mga bagay na naranasan at pinagdaanan niya sa isinagawang pagsusuri sa kaniya.
Pagbabahagi ng aktres,
"I had my tests done 12:30 AM, Thursday, konting lagpas Cinderella time. This was the 1 that required 10 hours of fasting."
Dagdag niya pa,
"I’m willing to share that if we ignore my RBC, hemoglobin, hematocrit, and WBC numbers, and looked only at everything else that would be tested for during a thorough blood exam, and without the aut0immune antibody markers we closely monitor, a healthy person would be very happy with my numbers…
"At this point, my current numbers rule out SLE & rheumatoid arthr1tis. BUT there are antibodies that have significantly increased again, putting added strain sa isang vital part ng katawan natin na minsan na dededma dahil hindi tayo aware kung gaano ito kahalaga."
Dagdag pa ng TV host-actress, ang stress at anxiety ang isa sa mga contributing factors sa kaniyang autoimmune condition.
Aniya,
"I understand, sympathize, and wholeheartedly empathize because many are suffering much worse than I am- that’s why I pray that the vaccine rollout for the Philippines will be smooth & successful…
"SWERTE yung mga eligible because as of now, hindi pa sure kung pwede ako. And as cases continue to surge, sobrang ingat ang kailangan"
Pagpapatuloy pa ng Queen of All Media,
"I especially pray for parents like me with kids below 18, kasi wala pang approved vaccine for our kids. Sila ang kinabukasan kaya sila ang dapat ma prioritize."
Gayunpaman, sinigurado naman ni Kris sa kaniyang mga fans na ayos naman ang lahat sa kaniya kahit papaano.
Ani ng TV host,
"Kung dadalang ang mga post, it doesn’t necessarily mean I am sad, depressed, and sicker- I am only giving myself time to heal until my next set of tests in about 10 to 12 weeks."
No comments:
Post a Comment