Thursday, January 6, 2022

Bahay Nina Andi Eigenmann At Philmar Alipayo Sa Siargao Matapos Manalasa Ang Bagyong Odette


Kahit ang bahay ng couple na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa Siargao ay hindi din nakaligtas sa lakas ng hagup1t na dala ng Super Typhoon Odette.

Noong Huwebes, December 16, 2021 ay nag-landfall sa Siargao ang bagyong Odette.

Huwebes pa lamang ay nag-post na si Philmar sa kaniyang Instagram account upang ipaalam sa publiko na wala nang signal sa kanilang lugar.

Sa mga larawan at video na kumakalat sa social media, makikita kung gaano kalaking pinsala ang iniwan ng Super Typhoon Odette sa Siargao at marami pang lugar as Visayas at Mindanao.


Marami ang talagang nagtulong tulong at ginamit ang kanilang mga social media accounts upang makahingi ng tulong para sa Siargao at sa mga lugar pa na naapektuhan ng super typhoon. Isa na nga dito sina Andi at Philmar.

Gayunpaman, maging ang bahay nina Andi ay hindi din nakaligtas sa bagyo.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Philmar ang naging hitsura ng kanilang bahay matapos ang bagyo. Makikita na ang ilang bahagi ng kanilang bubog ay lubos na napinsala. Maging ang mga halaman sa kanilang gate ay natumba din.


Caption ni Philmar,

"ATO BAYAY ANDIEIGENGIRL KINAHANGLAN NA NATO NAG POLI NAN BOBONG" (Ang ating bahay andieigengirl Need na natin magpalit ng bubong).

Nag-post din si Andi ng mga videos sa kaniyang Instagram stories. Sa isang video, ibinahagi niya ang pagpunta nila sa Catangnan, ang kanilang lugar sa Siargao.

Ani Andi sa caption ng video,

"Catangnan. On the way to ours. wiped."


Makikita din sa video ang pinsala na iniwan ng bagyo sa kanilang lugar kagaya ng mga sira-sirang bahay at establisyemento at mga natumbang puno.

Sina Andi ay wala sa isla noong manalasa ang bagyo ngunit umuwi din kaagad sila noong ito ay humupa na. 

Hindi naman mapigilan ni Andi na maging emosyonal dahil maliban sa pagkakasal4nta ng kanilang lugar, marami din sa kanilang mga kaibigan at mahal sa buhay sa Siargao ang talagang naapektuhan ng bagyo.

No comments:

Post a Comment