Tuesday, January 4, 2022

Robin Padilla, Muntik Ng Mabawian Ng Buhay Sa Kanilang Tahanan Dahil Sa Pangyayaring Ito


Wala ng ibang naramdaman ang action star na si Robin Padilla kundi ang panghihina ng kaniyang buong katawan sa isang eksena sa kanilang bahay na kamuntik na niyang ikin4m4tay.

Sa kaniyang Instagram account, ibinahagi ni Robin ang naturang insidente na nangyari sa tahanan nila ng asawa na si Mariel Rodriguez.

Labis naman ang pasasalamat ng action star dahil walang nangyaring masama sa kaniya habang inaayos niya ang nasirang water pump at filter ng kanilang swimming pool.


Ani Robin sa kaniyang Instagram post,

"Kwento ko lang ang umaga ko mga kapanalig. Alhamdulillah hindi pa ako binisita ni angel Azrael.

"Magmula nong l0ckdown kami kami na lang ang gumagalaw dito sa Palais de Tres Marias kapag may maintenance problem hanggat kaya ng aming pag intindi dahil last option sa amin ang taga labas malaki ang takot namin na mahawa ang mga bata sa v1rus c0v1d 19."

Pagpapatuloy niya,

"Nagkadiperensya ang main water pump and filter ng swimming pool namin kaya gumagamit ako ng submersible pump para umikot ang cycle ng tubig at hindi magstagnant ang nasa malalim.



"Araw araw hanggang gabi manual ko lang ginagawa ang paglipat ng pump at pagbuga ng tubig paikot ng swimming pool. Ngayon umaga na ito naiba lahat ang ganap.

“Pag check ko ng wire hiwa ito at nakasilip na ang negative, positive at ground wire. Allah hu akbar, kung nagkataon na nagpabaya ako at basta na lamang inilipat ang pump at maiplug sa kuryente sabay lusong ako sa tubig…. Yun!!! The end sigurado ako, goodbye Philippines!"


Mabuti na lamang din daw at nakasanayan niya na i-check muna ang wire bago lumusong sa pool.

Dagdag pa ng aktor,

"Alhamdulillah naging routine ko ang mag check ng wire bago lumusong sa tubig kasama yun pump kasi yun ang palaging paalala ng aking guardian angel sa isip ko bago matulog at pagkagising na kahit na waterproof at guaranteed safe ang pump always check the wire dahil kuryente at tubig hindi dapat biruin.

"Alhamdulillah it is a blessed day for me Allah hu akbar, nakapanghihina pala ang mga ganitong ganap ma shaa Allah mapapaisip ka rin at matitigilan, paano nga kaya kung hindi ako nag check? Astigfirullah Astigfirullah Astigfirullah."

No comments:

Post a Comment