Saturday, January 8, 2022

Kilalanin Ang Non-showbiz Wife Ni Alfred Vargas Na May Pagkakahawig Kay Marian Rivera


Hindi maipagkakaila na isa si Alfred Vargas sa mga kilala at hinahangaang aktor sa Philippine showbiz industry. Sa angking galing at talento pagdating sa pag-arte, idagdag pa ang kaniyang kakisigan at taglay na kagwapuhan sa mukha, hindi na din nakakapagtaka kung bakit maraming ang humahanga at kinikilig sa kaniya.

Hanggang ngayon, marami pa din sa atin ang nagugulat sa tuwing ating nakikita ang mga non-showbiz partner ng mga kilalang celebrities at personalidad sa entertainment industry. Ito ay dahil na din sila ay mayroong mga artistahin vibes at hitsura ngunit sila ay wala sa showbiz limelight.

Katulad na lamang ng asawa ng aktor na si Alfred Vargas na sinasabi ng karamihan na mayroong pagkakahawig sa Kapuso star na si Marian Rivera.



Tulad ng alam nating lahat, si Alfred ay isa sa mga pinaka-gwapong aktor sa entertainment industry dito sa Pilipinas. Ngunit, kaniya ding pinatunayan na hindi lamang siya nasa likuran ng kaniyang magandang mukha, ngunit siya ay mayroong ding mahusay at angking talento sa pag-arte.

Bukod sa pagiding mapalad sa kaniyang karera, si Alfred ay pinagpala din sa pagkakaroon ng isang maganda at mapagmahal na asawa. Siya ay walang iba kundi si Yasmine Espiritu-Vargas. Maraming mga netizens ang nakapansin na siya ay mayroong malaking pagkakahawig sa aktres na si Marian Rivera.



Sa unang tingin sa kaniyang mukha, makikita mo na talaga ang pagkakatulad niya kay Marian Rivera. May ilan pa nga na nagsasabi na si Yasmine ay maaaring maging doppelganger ng Kapuso Primetime Queen.

Si Yasmine ay mayroong dugo ng Italyano habang si Marian naman ay isang kalahating Espanyol na kagandahan. Kahit pa man mayroong pagkakahawig si Yasmine sa aktres, sila ay mayroon pa ding sarili at natatanging uri ng kagandahan.



Tungkol naman sa love story nina Yasmine at Alfred, inamin ni Yasmine na siya ay isang tagahanga ni Alfred noon bago pa sila naging magkarelasyon. Sa katunayan nga nyan ay may ilang poster pa ng aktor ang nakadikit sa kaniyang silid at palagi din niyang pinapanood ang mga pelikula kung saan naka-star si Alfred.

Taong 2010 nang ikinasal sina Alfred at Yasmine sa Korte Suprema.

No comments:

Post a Comment