Wednesday, January 19, 2022

Isang Sawa, Nabigyan Ng Leksyon Matapos Nitong Kainin Ang Isang Porcupine


Ang phytons o sawa ay tinuturing bilang isa sa mga pinakamapang4nib na hayop sa buong mundo. Hitsura pa lamang nila, idagdag pa ang malaking hugis ng kanilang katawan, ay talaga nga namang nakakapagdulot ng tak0t para sa karamihan.

Ngunit, tila ang sawa na ito ay naranasan ang pinakapangit na pangyayari sa kaniyang buhay matapos nitong mapagpasyahan na kumain ng isang porcupine.

Habang naglalakbay ang isang siklista sa bike trails sa Lake Eland Game Reserve sa KwaZulu-Natal, South Africa, napansin niya ang isang napakalaking sawa. Kaya naman napagpasyahan ng siklista na kuhan ito ng mga larawan at i-post sa social media kung saan madali nitong nakuha ang atensyon ng marami na nais makita ang nasabing sawa ng personal.


Marami namang mga tao ang pumunta sa parke sa mga sumunod na araw para lamang makita ang nasabing sawa. Marami ang nagtataka kung ano nga ba ang nakain nito dahil ang katawan nito ay lumawak pa sa mas malaking hugis. May iba't ibang mga spekulas tungkol sa mga hayopn na maaaring matagpuan sa nasabing gubat ngunit walang kumpirmasyon hanggang sa nam4t4y na nga ang sawa ilang araw ang nakalipas.

Kaya naman napagpasyahan ng mga staff at visitor na buksan ang katawan ng ahas para malaman kung ano ang nasa loob nito upang maipaliwanag na din ang dahilan nang pagk4wala ng ahas.


Laking gulat na lamang nila sa kung ano ang nakita sa katawan nito. Isang 30-lb o 13.8 kilogram na porcupine lang naman ang kanilang natagpuan sa katawan nito!

Gayunpaman, hindi pa din malinaw kung ang porcupine ba ang responsable para sa pagkam4tay ng sawa. Ang nasabing sawa ay natagpuan sa mabatong lugar kung saan ito b1nawian ng buhay. Sa impact nito, ang mga pakpak ng porcupine sa loob ng sawa ay maaaring tumusok sa tyan ng sawa na dahilan ng pagk4matay nito.

No comments:

Post a Comment