Wednesday, January 12, 2022

Kilalanin Ang 10 Batang Artista Na Pinakamayaman Sa Buong Pilipinas


Ang magandang buhay ang pinapangarap ng karamihan sa atin ngayon. Magkaroon ng magandang bahay, iba't ibang negosyo, at magagarang mga ari-arian ang gusto namang makamit ng iba. Kaya naman hangga't bata at malakas, nagsisikap tayo para mapaganda ang ating kinabukasan.

Narito ang mga na may edad na 30-year-old pababa na pinakamayaman sa buong Pilipinas:

10. Julia Barretto


Si Julia Barretto ay 23 taong gulang na aktres at anak ng komedyante na si Dennis Padilla at aktres na si Marjorie Barretto. Bata pa lamang ay sumalang na si Julia sa pag-arte at bumida na din sa maraming palabas sa ABS-CBN tulad ng 'Mirabella', 'A Love to Last', at 'Ngayon at Kailanman'. Nagkaroon din ito ng mga pelikula tulad ng 'Vince, Kath & James', 'Between Maybes', at 'Block Z'.

Nagkaroon din ng maraming mga endorsements na nagbigay sa kaniya ng maraming kita dahilan para siya ay makapagpatayo ng sarili nitong bahay.

Noong nakaraang taon lamang ay masaya na itong nakalipat sa kaniyang bagong bahay. Si Julia ay may estimated net worth na P100-M.

9. Nadine Lustre

Nagsimulang sumikat ang career ng 26-year-old na si Nadine sa pelikula na 'Diary ng Panget' noong 2014 katambal ang aktor at kalaunan ay naging kasintahan na si James Reid. Dito nabuo ang loveteam na 'JaDine' at nagsimula na ngang umakyat ang career ng dalawa.

Nasundan pa ito ng maraming pelikula at mga palabas sa telebiyon na talaga namang kinagat ng masa tulad ng 'On the Wings of Love' at 'Till I Met You'. Naging host din siya mga ito ng It's Showtime at isa sa mga judge sa talent show na 'Your Moment'.

Nagkaroon din si Nadine ng kaliwa't kanang mga endorsements at sold out concerts kasama ang ka-loveteam na si James Reid. Mayroon din itong sariling business. Nag franchise si Nadine ng isang branch ng 'Nails Glow' na isang nail salon na kaniya ding ini-endorso. Mayroon ding sariling make up line si Nadine ang 'Lustrous' collection.

Si Nadine ay may estimated net worth na P200-M.

8. Liza Soberano

Bagamat dati ng napapanood sa ibang mga palabas sa ABS-CBN ang 22-year-old actress na si Liza Soberano, ang palabas nitong 'Forevermore' ang nagbigay sa kaniya ng big break kung saan katambal niya dito ang aktor na si Enrique Gil. Dito na din nabuo ang tambalang 'LizQuen' at nasundan na ito ng sunod sunod na proyekto sa telebisyon at pelikula.

Ilan lamang sa mga ito ay ang 'Dolce Amore', 'Bagani', at 'Make it with You'. Ang mga pelikula naman nito na 'Just the Way Your Are', 'My Ex & Whys', at 'Alone Together' ay nagbigay din sa kanilang loveteam ng maraming kita. Isa din si Liza sa may pinakamaraming endorsement na artista ngayon. 

Binansagan siya bilang Most Beautiful Faces in the World noong 2017. At ngayon ay isa ng Hall of Famer. Si Liza dapat ang gaganap bilang Darna sa pelikula bago ito mapunta sa aktres na si Jane De Leon. Ngunit, hindi ito natuloy dahil sa injury nito na dapat ay siguradong magbibigay sa kaniya ng napakalaking kita.

Mayroon din itong sariling negosyo, ang 'Hope, Hand and Foot Wellness', isang spa at wellness center na ngayon ay mayroon ng dalawang branch sa Timog Avenue at Alabang Muntinlupa. 

Si Liza ay may estimated net worth na P250-M.

7. James Reid

Ang 27-anyos na aktor na si James Reid ay nagsimulang makilala noong manalo ito sa reality show na 'Pinoy Big Brother' noong 2010. Pero ang big break nito ay noong nabuo ang tambalan nila ni Nadine Lustre na 'JaDine'. Ang iba't ibang palabas, mga pelikula, at maraming endorsements ay ilan lamang sa mga pinagkakitaan ni James. 

Si James ay isa ding songwriter, dancer, model, producer, at ngayon ay nagmamay-ari na ng sarili nitong record label, ang 'Careless' matapos nitong umalis sa dati nitong management na Viva Artist Agency.

Naging isa din si James sa mga host ng 'Idol Philippines noong nakaraang taon. Kamakailan naman ay ipinost nito sa kaniyang Instagram ang litrato ng kaniyang bahay na may caption na 'My house is for sale!'. Ang nasabing bahay ay dati nilang tinirihan ng ex-girlfriend at ka-loveteam na si Nadine. 

May halaga itong P82-M hanggang P85-M. May pitong kwarto, sound proof recording studio, swimming pool, gym, at may kabuuang sukat na 1,000 sqm. 

Sa ngayon, si James ay may estimated net worth na P270-M.

6. Ivana Alawi


Ang 23-year-old na actress, model, YouTuber, at recording artist na si Ivana Alawi ay pinamanahan ng kaniyang ama na isang Moroccan matapos nitong pum4naw. Bagamat apat silang magkakapatid, tanging sa kaniya lang ipinagkatiwala ang lahat ng ari-arian at mga negosyo nito. Kabilang na ang mga bagay sa Morocco, Bahrain, at America.

Nakilala si Ivana sa kaniyang mga sexy image at biglang sikat nito sa social media. Sa ngayon ay mayroon itong 7 million subscribers sa YouTube. Ayon sa kaniya, kumikita na siya ng six digits o hundred thousands kada buwan. Mayroon din itong collections ng mga mamahaling kotse.

Ang estimated net worth ni Ivana ay P300-M.

5. Enrique Gil


Ang 28-year-old actor, dancer, at model na si Enrique Gil ay nagsimulang mag-artista noong 2008. Bihira itong mabakante sa mga proyekto sa telebisyon at pelikula. Bukod dito, nagkaroon din ito ng sariling dance album at sold out concert na 'King of the Gil' sa Araneta Colliseum.

Si Enrique ay nagmamay-ari ng isang beach house sa Anilao, Batangas na may sariling private beach. Mayroon din siyang collection ng mga mamahaling sasakyan. Ang estimated net worth ni Enrique ay P360-M.

4. Alden Richards


Bagamat matagal na ding nag-aartista ang 28-anyos na si Alden Richards, ang pagkaka-diskubre ng tambalang 'AlDub' ang nagbigay ng big break kay Alden. Nagbukas ito ng napakaraming oportunidad sa kanilang dalawa ni Maine Mendoza. Sunod sunod ang mga proyekto sa telebisyon, pelikula, at mga endorsements. 

Ang pelikula nito na 'Hello, Love, Goodbye' kasama ang aktres na si Kathryn Bernardo ang tinaguriang Highest grossing Filipino film of All Time na kumita ng mahigit na P880.6-M. Sa ngayon ay nakabili na ng sariling bahay si Alden sa isang exclusive village sa Laguna. Nagmamay-ari din siya ng tatlong branch ng Concha's Garden Cafe at isang branch ng isang fast food chain na 'McDonolds'.

Ang estimated net worth ni Alden ay P400-M.

3. Kathryn Bernardo

Simula pagkabata ay isa ng artista si Kathryn Bernardo. 7-years-old palang siya nang sumabak sa pag-arte kaya naman hasang hasa na ito sa edad na 24. Lalo itong sumikat noong nagsimula ang tambalan nila ni Daniel Padilla at dito na nabuo ang 'KathNiel' na isa sa may pinakamaraming fanbase sa Pilipinas. 

Ang ilan sa mga di malilimutang palabas ng mga ito ay ang 'Princess & I', 'Got To Believe', 'Pangako Sa'yo', at 'La Luna Sangre'. Ang mga pelikula naman ni Kathryn ay talagang pumatok din sa masa. Sa katunayan dalawa sa may pinakamalaking kinita na Filipino film ay ang pelikula ni Kathryn ang 'Hello, Love, Goodbye' kasama si Alden Richards na kumita ng P880.6-M, at ang 'The Hows of Us' kasama si Daniel Padilla na kumita naman ng P806-M.

Tanging ang dalawang pelikula lang na ito ang kumita ng lagpas na P800-M. Isa din si Kathryn sa mga top celebrity endorser sa bansa at isa din itong negosyante. Siya ang may-ari ng nail salon na 'KathNails' na ngayon ay may walong branch na sa iba't ibang mall sa bansa. Sa ngayon, ay nagsisimula ng ipatayo ni Kathryn ang dream house niya matapos ang tatlong taon na pagpaplano.

Si Kathryn ay may estimated net worth na P500-M.

2. Maine Mendoza

Ang 25-year-old na si Maine Mendoza ay nagmula sa isang mayamang pamilya na nagmamay-ari ng maraming gasoline station na 'Shell' sa Bulacan at ngayon ay isa na din itong endorser ng nasabing oil company. Nakilala si Maine bilang 'YayaDub' sa Kalyeserye segment ng Eat Bulaga at ang loveteam nila ni Alden Richards na 'AlDub' ay naging instant phenomenal na nagkaroon ng mga record breaking tweets at trending sa Twitter.

Pinuno din ng kanilang tambalan ang Philippine Arena sa kanilang first time na pagtatagpo ni Alden sa Eat Bulaga noong 2015. Matapos noon ay sunod sunod na ang proyekto ng dalawa, mapa TV at pelikula. Nagkaroon din ang dalawa ng hindi na mabilang pa na mga endorsements. 

At ang pag-invest naman sa mga negosyo ang pinagtuunan ni Maine. Sa ngayon ay mayroon ng apat na branch ng fastfood chain na 'McDonalds' si Maine. Ang mga ito ay matatagpuan sa bayan nito sa Sta. Maria at San Jose Del Monte sa Bulacan.

Sa ngayon ay pinapatayo na ni Maine ang dream house niya. Si Maine ay may estimated net worth na P700-M.

1. Daniel Padilla

Ang 25-year-old na si Daniel Padilla ay anak ni Rommel Padilla at Karla Estrada. Si Daniel ang isa sa mga highest-paid actor at top celebrity endorser sa Pilipinas ngayon. Bukod sa pag-aartista, pinasok din niya ang pagiging singer na nagkaroon ng tatlong double platinum na album at isang gold record na album.

Si Daniel ay nagkaroon din ng mga sold out concerts at napakaraming endorsements. Ang tambalang 'KathNiel' ay nakagawa ng mga blockbuster movies tulad ng 'She's Dating the Gangster', 'Crazy Beautiful You', 'Barcelona: A Love Untold', 'Can't Help falling in Love', at isa sa mga highest grossing film of all time na 'The Hows of Us'.

Si Daniel ay isa ring businessman. Siya ang nagmamay-ari ng 'Barbero Blues', isang mamahaling barber shop na matatagpuan sa SM North Edsa na may tema na retro. Siya ay co-owner din ng Gastropub na 'District 8' sa Greehills sa San Juan.

Sa edad na 20, nakapagpatayo na si Daniel ng sariling bahay sa isang exclusive subdivision sa Fairview, Quezon City sa lote na may sukat na 1,000 sqm. Makikita din sa garage nito ang mga mamahaling collection ng sasakyan.

Si Daniel ay may estimated net worth ay umabot na sa P1.1-B.

No comments:

Post a Comment