Thursday, January 6, 2022

Ito Pala Ang Katotohanan Sa Likod Ng Pagsasama Nina AJ Raval At Aljur Abrenica


Noong nakaraang taon lamang ay gumawa ng ingay sa showbiz ang hiwalayan ng mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Nagsimula ang haka-haka na nagkakalabuan ang dalawa dahil na din sa kani-kanilang posts sa social media.

Taong 2011 nang magkaroon ng label na exclusively dating sina Aljur at Kylie. Naghiwalay ang dalawa noong 2014 at muling nagkabalikan matapos ang dalawang taon split. Sa sumunod na taon ay na-engaged ang dalawa at isinilang ang kanilang unang anak na si Alas.

Ikinasal sina Kylie at Aljur noong 2018 at makalipas ang ilang buwan ay isinilang naman ang kanilang pangalawang anak na si Axl.

Ngunit noong nakaraang taon lamang ay panay post si Kylie sa kaniyang social media account ng mga cryptic messages na dahilan para umugong ang balita na nagkakalabuan na ang pagsasama ng mag-asawa. Hanggang noong July 8, 2021 ay inamin na nga ni Kylie na hiwalay na sila ni Aljur matapos ang mahigit dalawang taon pagsasama bilang mag-asawa.

Sa kaniyang social media, ayon kay Kylie na sana ay respetuhin ng publiko ang hiling at moving on process ng kanilang pamilya.

Matapos nito, maraming pangalan ang lumutang na posibleng third party umano sa hiwalayan ng mag-asawa. Nariyan ang pangalan nila Maika Rivera, Erin Ocampo, Cindy Miranda, at AJ Raval. Pero walang kumpirmasyon tungkol dito sina Kylie at Aljur hanggang sa magsalita ang tatay ni Kylie na si Robin Padilla na siyang nagkumpirma na third party nga ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa.

Sinikap daw ng veteran actor kausapin ang anak na ayusin ang kanilang pamilya pero ayaw na tanggapin ni Kylie ang aktor. Ayon kay Robin, wala na daw siyang magagawa pa dahil sina Aljur at Kylie lang ang maaaring mag-ayos ng kanilang relasyon.

At kamakailan lamang ay lumutang sa social media ang isang video kung saan spotted si Aljur na kasama ang rising star na si AJ Raval sa Subic, Zambales. Makikita sa video na posted sa social media platform na TikTok na unang naglakad ang lalaking nakasuot ng pulang T-shirt at face mask na itim. Ang lalaki umano na ito ay walang iba kundi ang aktor na si Aljur. Makalipas ang ilang sandali ay mayroong isang babae ang humabol sa kaniya at tinawag siyang "baby". Kita sa video na ang babaeng nakasuot ng tila navy blue T-shirt at maong shorts ay si AJ Raval na patakbong patungo sa aktor habang nagsusuot ng face mask.

Ang posted video ay may caption na: "Tara sa Subic as a friend."

Tulad ni Kylie, anak ng 90s celebrities ang 21-year-old actress na si AJ Raval. Ang kaniyang nanay ay isa ding artista noong dekada 90 habang ang kaniyang ama naman ay beterano at sikat na action star din noon na si Jeric Raval. Kaya naman hindi din makakaila na talagang mala-artistahin ang ganda at appeal ni AJ.

Maliban sa pagsabak sa showbiz, mas nakilala si AJ sa kaniyang mga social media accounts kung saan mas kinilala siya bilang social media star. Ang kaniyang YouTube channel ay mayroong 1.13 million subscribers habang ang kaniyang Facebook account ay may 10 million followers at mayroon siyang 8 million followers sa TikTok.

Dahil sa kaniyang taglay na kagandahan at sexy ng katawan, nalilinya din ngayon si AJ sa mga sexy projects. Kamakailan lamang nga ay nakasama niya si Aljur sa s3xy film na "Nerisa". Sa pelikulang ito, ang leading lady ng aktor ay ang dating beauty queen at TV host na si Cindy Miranda na gumanap bilang Nerisa. 

Asawa niya sa pelikula ang mangisngisda na si Obet na ginampanan naman ni Aljur. Nag-aalab at mapangahas ang mga eksena sa nasabing pelikula kaya naman hindi din nakaligtas si Cindy na mapagbintangan na sanhi ng hiwalayan nina Aljur at Kylie. Cast din si AJ sa nasabing pelikula kung saan siya ang gumanap bilang best friend ni Nerisa. Dahil sa project na ito, nakikitang magkasama sina AJ at Aljur. 

Pero kahit pa una ng umugong ang pangalan ni AJ sa hilera ng mga babaeng ikinakabit kay Aljur na third party sa relasyon nila ni Kylie, hindi lamang pinapansin ng dalaga ang nasabing isyu sa kaniya. 

Ngunit matapos kumalat ang video nina Aljur at AJ, ikinakabit ng mga netizens ang isang post ni Aljur sa kaniyang Facebook kung saan siya ay nasa balcony at umiinom ng kape. May caption ito na: "It is important to take time for yourself and find peace."

Ang pagkakakuha sa larawan ay mula sa loob ng bahay kung saan kita pa ang grills ng bintana. Sa likod naman ng aktor ay may maraming puno. Sa tinik ng mga mata ng netizens, nahalungkat nila ang isa sa mga vlogs ni AJ kung saan naglilinis siya ng kwarto at ipinakita nito ang kaniyang bintana at view mula sa kaniyang kwarto. Mapapansin na pareho ang disenyo ng kaniyang bintana at view sa post ni Aljur kaya naman hinala ng karamihan ay nasa bahay ni AJ ang aktor.

Nakadagdag pa sa kontrobersiya ang mga pahayag ng influencer na si Xian Gaza. Sa post ni Xian kamakailan, sinabi niya na mayroon siyang pasabog tungkol kay AJ at sa relasyon nito kay Aljur. Pero pagdidiin niya hindi daw ang aktres ang dahilan ng hiwalayan nila Aljur at Kylie.

Samantala, sumagot naman si AJ sa mga post ni Xian at sinabing: "ang dami mong alam hayup ka hahaha"

Pero nagdesisyon si Xian na bawiin at huwag ng isiwalat pa ang kaniyang nalalaman tungkol sa dalawang artista. 

Aniya sa kaniyang post, 

"Nagdadalawang isip ako ngayon kung ilalabas ko pa ba yung pasabog ko kasi parang hindi ko kayanin na makitang nasasaktan si Ms. Aj Raval. Aanhin ko ang traffic sa loob ng isyus app kung mahe-hurt ko naman ang image & career niya."

Pabirong sumagot muli si AJ sa post na ito ni Xian at sinabing: "why? are you the father? the son? or the holy spirit? hahaha"

Kasunod nito ay ang paghingi ni Xian ng public apology kay AJ. Ayon sa kaniya,

"In the name of love... I, Christian Albert Gaza, hereby retract my controversial expose against Ms. Elizabeth Buensuceso o popularly known as AJ Raval.

"This retraction also serves as my public apology to the actress. Thank you."

Sagot naman ni AJ, hindi naman na daw kailangan pang humingi ng tawad si Xian. Hindi apektado si AJ sa mga kumakalat na tsismis hingil sa pagkakamabutihan nila ni Aljur. Ngunit hindi din ito itinatanggi kung may relasyon nga ba sila o wala. Sa panig naman ni Aljur, tikom pa din ito, hindi lamang sa relasyon nito kay AJ maging sa pinagdadaanan nila ni Kylie.

Aniya, lahat naman daw ng pamilya ay dumadaan sa mga challenges at pinipili niya na palaging maging masaya para sa kapakanan ng lahat, lalo na para sa kanilang dalawang anak. Dahil kung hindi daw siya magiging masaya, ang mga tao sa paligid niya ay ganun din. Kaya para mas ayos ang lahat, sa kabila ng mga nangyayari, mas pinili ni Aljur na maging masaya.

Dahil sa pagiging maugong ng pagsasama nina Aljur at AJ, marami sa mga netizens at fans ni Kylie ang concern sa aktres. Kaya naman lagi siyang tina-tag hingil sa isyu hanggang sa sumagot na si Kylie dito.

Sa kaniyang post noong October 1, 2021, aniya,

"Guys there is no issue. We separated April pa and we have already mutually agreed to date other people. Please stop dragging other parties into this. I have no intention of disclosing anymore of what happened because I want to cherish the littlest ounce of privacy I have left.

"Thank you for everyone's concern. The boys are happy and stable which is our main priority. Love and light to everyone."

No comments:

Post a Comment