Monday, January 3, 2022

Maymay Entrata, Ginulat Ang Lahat Sa Kaniyang Rebelasyon Tungkol Sa Kaniyang Sarili


Inamin na ni Maymay Entrata kamakailan lamang na mayroong isang tao na nagpapasaya sa kaniyang puso ngunit sa kasamaang palad, ito ay hindi ang kaniyang on-screen partner na si Edward Barber.

Sa isang panayam sa Mega Magazine, nabanggit ng aktres ang tungkol sa tao na nagpapasaya sa kaniya ngayon.

Aniya,

“Sa totoo lang po may nagpapasaya na po sa aking puso at naway kahit anong maging desisyon namin ay respetuhin po ‘yun ng aking mga taga-supporta.”

Napagpasyahan ng aktres na huwag munang pangalanan o magbigay ng kahit anong hints tungkol sa pagkatao nito.


Noon pa man ay nali-linked na si Maymay sa kaniyang onscreen partner na si Edward Barber simula nang sila ay makalabas sa Pinoy Big Brother house. Ngunit, hindi nagtagal ay sinabi ng dalawa na sila ay magkaibigan lamang at magkakaroon muna ng mga solo projects sa ngayon.

Saad ng dalawa sa isang joint statement,

"Pareho po namin na-realize na sa estado ng buhay namin ngayon, we both are still very young, and there is so much more we still want to achieve in our lives."


Dagdag pa niya,

“We both agree there is no need to rush into anything. This means not having a romantic relationship between us at this point.”

Sa isang panayam noong Enero ngayong taon, sinabi ni Edward na siya ay kontento na sa pagiging magkaibigan nila ni Maymay.


Aniya,

“We’re content where we are and with the friendship that we have so there’s no need to push it any further. Maymay and I are the closest of friends.”

Samantala, sa panayam naman ng aktres sa Mega, sinabi ni Maymay na mas nakatuon muna ang kaniyang atensyon ngayon sa kaniyang career bilang artista.

Saad niya,


“Dahil sa experience ko po for five years dito sa industriya, mas nakilala ko ang sarili ko. Now I know my strengths and weaknesses. And, because of that I can now face problems and difficulties head on. My direction in life has also become clearer– lalo na’t alam kong nakakapagbigay ito ng saya at tulong sa iba.”

No comments:

Post a Comment