Wednesday, January 5, 2022

Ito Na Pala Ang Buhay Ngayon Ng Dating Singer Na Si Roselle Nava


Naaalala niyo pa ba ang beteranang singer na si Roselle Nava? Siya lang naman ang nagpasikat ng ilang mga kilalang kanta noon katulad ng "Bakit Nga Ba Mahal Kita", "Maniniwala Ba Ako", "Dahil Mahal na Mahal Kita", "Laging Ikaw Parin", "Huwag Ka Nang Babalik", at marami pang iba.

Napukaw ni Roselle ang atensyon ng maraming manonood noong dekada 90 dahil sa kaniyang husay pagdating sa pag-awit. Siya din ay naging in-demand diva noon dahil sa kaniyang natatanging talento dahilan para siya ay tawagin noon bilang Philippine Pop Queen at Sentimental Diva.

Si Roselle ay napabilang din sa youth oriented show na "Ang TV" mula 1992 hanggang 1997 kasama sina Victor Nero, Jolina Magdangal, Claudine Barretto, Rica Peralejo, Antoinette Taus, at Angelu de Leon.


Siya din ay naging regular performer noon sa ASAP mula taong 1995 hanggang 2004.

Naging number one din sa mga radyo noon ang signature hit song ni Roselle na "Bakit Nga Ba Mahal Kita" at nanatili ito sa mga radio charts sa loob ng walong buwan.

Ngunit sa kabila ng magandang karera ni Roselle ay pinili niyang lisanin ang showbiz limelight at pasukin ang mundo ng politika. Siya ay tumakbo bilang Councilor sa Paranaque noong 2016 at matagumpay naman niyang nakuha ang pwesto.


Si Roselle ay ikinasal sa kaniyang business partner na si Allen Ford Lee Tan sa Manila Cathedral noong January 18, 2010 at sila ay biniyayaan ng dalawang anak na lalaki na sina Rafa at Ram.

Noong nakaraang taon lamang nga ay ginulat niya ang marami nang lumabas siya sa telebisyon para gampanan ang role bilang Adarna sa Masked Singer Pilipinas.

Ayon kay Roselle, tinanggap niyang gawin ang Masked Singer Pilipinas dahil madalas na pinapanood ng kaniyang pamilya ang American version nito.

Noong Marso lamang nakaraang taon ay ipinagdiwang ni Roselle ang kaniyang ika-45 na kaarawan ngunit tila hindi pa din nagbabago ang kaniyang hitsura at siya ay mukhang bata pa din tignan.


"I just turned another year older, today I turned 45. I have so many things to be thankful for! I have been really blessed and for that my heart is full and filled with appreciation.

"I hope that we can overcome all the hardships and challenges we are facing now... keep safe everyone and always remember to make every moment count..especially with those people who truly matter the most! familyisLOVE Special thanks to my hubby, Allen and the rest of my family. Thanks to those who remembered and sent me warm greetings."

No comments:

Post a Comment