Wednesday, January 12, 2022

Jelai Andres, Matapang Na Ibinahagi Ang Pinagdaanan Niya Sa Kaniyang Relasyon Kay Jon Gutierrez


Hindi napigilan ng actress-vlogger na si Jelai Andres na maging emosyonal habang binabalikan ang mapait na karanasan niya sa actor-vlogger at dating asawa niya na si Jon Gutierrez.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami ang mga pinagdaanan ni Jelai sa asawang si Jon dahil naging malaking usap-usapan sa social media ang mga isyu at kontrobersiya na kinaharap ng dalawa sa kanilang pagsasama. 

Ilang buwan na din ang nakakalipas nang muling gumawa ng ingay sa social media ang relasyon nina Jelai at Jon dahil sa muling pambababae ng huli. 


Sa panayam sa kaniya ni Toni Gonzaga sa kaniyang YouTube channel na Toni Talks kay Jelai, matapang ng ibinahagi ng aktres ang lahat ng mapapait na pangyayari na kaniyang naranasan nang paulit-ulit niyang pinapatawad ang asawang si Jon sa lahat ng panlolok0 na ginawa nito sa kaniya.

Pagbabahagi ni Jelai,

"Para kang namatay. Lumaki akong… naniniwala na may kabutihan ‘tong tao na ‘to. Baka nagkamali lang siya. Nagbibigay ako ng chance.


"“Wala na akong chance na [i-confront siya] kasi na-depress ako noong time na ‘yun. Doon na nag-start. Umiiyak ako tapos dere-derecho nang maninigas ako, nagsasara ‘yung throat ko. Hindi ako makahinga."

Ibinunyag din ni Jelai na dumating siya sa punto na kailangan niyang isugod sa ospital ng ilang beses dahil sa kaniyang anxiety at pan1c att4cks.

Aniya,

"Marami akong paghihirap na pinagdaanan pero lagi kong nilalabanan kasi pinipilit kong buoin ang sarili ko. Bubuoin ko rin siya, while ako pala ‘yung nawawasak. Hanggang sa paulit-ulit akong nasa ER, pabalik-balik, hindi na gumagana ‘yung iniinj3ct sa’kin."


Gayunpaman, sa kabila ng sakit na naramdaman ni Jelai dahil sa nangyari, pinili pa din niyang patawarin si Jon. Tinanggap pa nga niya ang proposal nito noong 2017 sa kaniya.

Saad ni Jelai,

"‘Yung history ng ch3ating, pinatawad ko siya. Nakalimutan ko na… kapag kaya mong patawarin, patawarin mo. Kapag hindi mo na kaya patawarin, huwag mo nang patawarin. Kasi ibabalik at ibabalik mo eh. So ngayon, ilalaban mo ‘yun sa sarili mo na pinatawad mo na siya."

Nang tanungin ni Toni si Jelai kung bakit pinili niyang patawarin ang kaniyang asawa sa kabila ng pambababae at panlolok0 nito sa kaniya, ibinahagi ng aktres na pinatawad niya ito dahil na din sa pagmamahal niya para dito.

Aniya,

"Naniwala ako sa kanya kasi love mo eh… kinasal kami. Kailangan kong ipaglaban kasi ako ‘yung wife, pero hindi ako nagsisi kasi nagawa ko ‘yung part ko. Kung hindi ko pinatawad, baka ngayon, meron akong pagsisisi."

Ibinunyag din ni Jelai na nagsimula lamang siyang magising nang mag-file na siya ng annulment noong 2021 lamang. Sa kabila ng sakit na naramdaman, ibinahagi niya na siya ay maayos na ngayon.

Kinumpirma nina Jelai at Jon ang kanilang relasyon noong 2015 ngunit sila ay naghiwalay din matapos ang isang taon. Matapos magbalikan noong 2017, napagdesisyunan ng dalawa na magpakasal noong 2018. Ngunit sila ay tuluyan na ngang naghiwalay noong April 2019, ilang buwan lamang matapos ang kanilang kasal.

No comments:

Post a Comment