Ibinunyag ng singer na si Jake Zyrus sa isang digital media conference na marami ding bagay sa buhay ang kaniyang pinagsisihan.
Ayon sa kaniya, may pagkakataon umano na nagsisisi siya na siya ay na-diskubre pa bilang si Charice at minsan ay hinihiling niya na sana ay na-diskubre na lamang siya kung sino siya ngayon nang sa gayon ay hindi na siya nahihirapan pa.
Aniya,
"Regrets. I can’t count. there’s so many, parang roller coaster na din po kasi, sometimes iba naisip ko, I regret being discovered as Charice, or minsan I wish na discover na ito na ako, para hindi na ako nahihirapan. Sometimes may maiisip ka na ganu’n."
Dagdag pa niya,
"So many regrets, siguro po noong hindi ko pa nare-realize na ‘yung regrets na ‘yun will turn into something beautiful.
"Kasi, ‘di ba sometimes in our life parang masasabi mo na ‘I regret doing this’ but siyempre the more na marami akong na-experience sa buhay ko, the more na-realize ko na those regrets happen."
Paliwanag pa ng singer,
"I’m glad na those pain and regrets happened because doon ko rin na-realize kung ano ba ako, kung sino ba ako, kung ano ang magagawa ko in the future,” paliwanag pa niya."
Ngunit, nilinaw ni Jake na kahit pa man mayroon siyang pagsisisi sa kaniyang buhay, hindi pa din ito naging hadlang para siya ay makuntento at maging masaya sa buhay na pinili niya ngayon bilang isang tr4nsm4n.
Pahayag ni Jake Zyrus,
"Hindi man beautiful ang tingin ng tao sa nangyayari sa akin ngayon, but to me it turned me into something beautiful, dahil nalaman ko rin ang mga taong totoo sa akin."
Binigyang pagkilala sa 202 US International Film and Video Festival ang documentary na nagpapakita ng buhay ng singer na si Jake Zyrus na naunang nakilala bilang Charice Pempengco. Ang dokumentaryo may titulo na 'Jake & Charice' ay nakatanggap ng Gold Camera Award sa ilalim ng social issues category na nabanggit na award giving bodies.
Nakapaloob sa dokumentaryo ang buhay ni Jake Zyrus magmula noong umamin ito sa kaniyang gender preference at desisyon maging transgend3r man. Pinakita din dito ang mga kinaharap na hamon at pinagdaanan ni Jake bago nito matuklasan ang bagong timbre ng boses sa pagkanta.
Unang ipinalabas ang 'Jake & Charice' documentary sa Japan noong Nobyembre nakaraang taon.
No comments:
Post a Comment