Monday, January 3, 2022

Anna Feliciano, Isang Brand New Car Ang Natanggap Na Regalo Mula Kay Willie Revillame


Hindi inaasahan ng dancer at choreographer na si Anna Feliciano ang regalo na kaniyang natanggap mula sa TV host na si Willie Revillame.

Sa kaniyang social media post, ibinahagi ni Anna ang larawan ng isang brand new car na regalo sa kaniya ni Willie.

Ayon kay Anna, noong una daw ay hindi niya nagustuhan ang inanunsyo sa kanila ni Willie na siya ay magtatrabaho sa mismong araw ng Pasko ngunit lingid pala sa kaniyang kaalaman ay mayroon itong isang surpresa na ibibigay para sa kaniya.

Caption ni Anna sa kaniyang post,

"Unexpected. I felt bad pa dahil gusto ako pag workin in Christmas Day. Yun pala may surprise. Thank you very much kuya!! Graveee ang pasab0g mo! Yes kuya, I w𝔦ll never leave the show. Loyal ako sayo, you know that. From Wowowee to Wowowin, from ABS to GMA. Thank you sa pag-appreciate ng crafy ko."


Ibinahagi din ni Anna sa kaniyang post ang screenshot ng usapan nila ni Willie.

"Deserved mo yan Anna. Christmas gift ko sayo sa mahusay mong trabaho."


Nagbiro pa nga ang TV host at sinabi na suhol niya kay Anna ang regalong sasakyan dito para ito ay manatili sa Wowowin bilang choreographer.

"Alam ko may ibang shows na kumakausap sayo kaya ayan ang suhol ko sayo para di ka umalis ha ha ha."

Nangako naman si Anna na kailanman ay hindi niya iiwan si Willie at mananatili lamang siya sa tabi ng TV host kahit anong mangyari. Si Anna ay kasama na ni Willie simula pa noong nasa ABS-CBN pa ito.


"Never kuya!! Alam mo yan, solid ako sayo from Wowowee until now. Hindi kita iniwan and never kitang iiwan!"

Sa kanilang pag-uusap, nagpasalamat muli si Willie sa mahusay nitong trabaho.

Ani ng TV host,

"Salamat kung ganon. Merry Christmas sayo enjoy your new car. Product yan ng hardwork mo. Madadagdagan na din tayo ng dancer. Maghanap ka na. Magback to normal na tayo unti-unti by next year."

No comments:

Post a Comment