Saturday, January 8, 2022

Jaclyn Jose, Inihayag Ang Naramdaman Sa Engagement Ng Anak Na Si Andi Eigenmann Kay Philmar Alipayo


Hindi na nga mapigil ng beteranang aktres na si Jaclyn Jose na ihayag ang kaniyang kasiyahan at kagalakagan sa engagement ng kaniyang anak na si Andi Eigenmann sa surfer boyfriend nito na si Philmar Alipayo.

Ilang buwan bago manganak si Andi para sa kaniyang pangatlong anak, napagpasyahan naman ni Philmar na mag-propose na kay Andi na aniya ay hindi niya talaga inaasahan.

Ani Andi sa kaniyang Instagram account,

“I never thought about how my engagement would go because quite honestly, I didn’t think I’d have one. It would’ve been ok regardless, but it did happen.

“And it happened the way I wanted it and so much more.” 


Dagdag pa niya,

“Nothing grand. Unprompted, simple and oh so sincere. That’s us. That’s him. That is how I want the rest of my life to be. I am over the moon, so stoked to be spending it with you my mahal chepoxz!

Sa kabilang banda, si Jaclyn naman ay hindi mapigilan na maging emosyonal nang kaniyang batiin sina Andi at Philmar para sa kanilang engagement.

Saad ni Jaclyn sa kaniyang Instagram account,

“Ang anak ko, ikakasal na. Happy nanay.”


Kaakibat ng congratulatory message ng beteranang actress ay ang larawan ni Andi noong siya ay bata pa.

Sa isang panayam naman sa Cabinet Files, inihayag ni Jaclyn ang kaniyang naramdaman para sa surpresa ni Philmar,

“Yes happy! Kinilig ako sa proposal sa vlog! Yung foggy ‘tapos voice lang ang naririnig? And the underwater shot? It was beautiful!”

Tunay nga na talagang pinagpala si Jaclyn pagdating sa kaniyang pamilya. Matapos ang mga hirap at sakripisyo niya sa pagpapabalik ng kaniyang mga anak na sina Andi at Gwen, ito ay nagbunga na dahil sa pagkakaroon ng mabuting puso ng dalawang anak.

Aniya,

“Nakakatuwa si Lilo, napakabibo. Malapit na yung pangatlo, excited na rin ako. Masaya ang malaking pamilya.”

Dagdag pa niya,

“Mababait yung dalawang anak ko, lalo na si Gwen. Si Andi, super matured and she likes taking care of her family hands on. Sila ang mga bunga ng pinaghirapan ko.”

No comments:

Post a Comment