Thursday, January 6, 2022

Kilalanin Ang Mga Lesbian Celebrities At Anak Ng Sikat Na Matapang Na Lumantad Sa Publiko


Sa kabila nang mga deskriminasyon na natatanggap sa publiko mayroong mga Pinoy celebrities ang OUT at PROUD bilang myembro ngLGBT community. 

Narito ang ilan sa kanila na nagsisilbing inspirasyon sa lahat maging straight man o myembro ng LGBT na tanggapin at mahalin ang iyong buong pagkatao, dahil maiksi lang ang buhay para magtago sa likod ng ibang pagkatao.

Jessie Corcuera

Si Jessie Corcuera ay dating contestant sa mga reality TV show gaya ng StarStruck at Pinoy Big Brother. Isa siya sa mga matatapang na hinarap ang mga pagsubok na kaakibat ng pagiging isang transman. Taong 2006 ay sumali si Jessie sa GMA show na Artista Search. Siya ay umamin na sumailalim sa operayon para maging transman noong taong 2013. Pagsapit ng taong 2016, kasama siya sa mga napili para makapasok bilang housemate sa Pinoy Big Brother. 


Sa isang mensahe na iniwan ni Jessie noon para sa lahat, sinabi niya,

"Gusto kong i-spread sa lahat 'yung equality. Hindi mo kailangang tignan ang kasarian ng tao kung gusto mo man siyang kilalanin. Lahat 'yan dapat ay pantay pantay."

Aiza Seguerra

Ang singer-composer na si Aiza Seguerra ay unang nakilala sa Eat Bulaga noong siya ay magwagi sa segment nitong Little Miss Philippines noong 1987. Dito na siya sumikat at nagkaroon ng mga movie projects. Taong 2007 nang ilantad niya sa publiko na siya ay isang lesb1an at inamin ang mga naranasang pagsubok bunsod ng kaniyang sitwasyon. Pero ayon kay Aiza, pinagaan ang lahat ng ito nang pagtanggap at patuloy na pagmamahal sa kaniya ng kaniyang kapatid at mga magulang.

Ayon kay Aiza sa interview sa kaniya noon,

"Pero the mere fact that my mom, my dad, my brother love me for who I am, it makes me stronger. 'Di man ako tanggap ng maraming tao, the people I love, nire-respeto ang choices ko."

Si Aiza ay mayroon ng napakaraming awards na natanggap sa music industry dahil sa taglay niyang galing at talento sa pagkanta at paglikha ng mga awitin. Sa ngayon ay kasal na si Aiza sa aktres na si Liza Dinio.

Jake Zyrus

Si Jake Zyrus ang pinaka naging kontrobersiyal sa mga umamin na sila ay isang lesbian. Siya ay unang nakilala bilang si Charice Pempengco noong siya ay sumali sa singing competition na Little Big Star. Taong 2013 nang aminin ni Jake sa ABS-CBN show na siya ay isang lesbian. Dito ay emosyonal siyang humingi ng tawad sa kaniyang pamilya at sa lahat ng hindi nakakaintindi sa kaniyang nararamdaman at hindi tanggap ang kaniyang pagkatao.

Ayon kay Charice, bata pa lamang siya ay ramdam na niya na isa siyang transgender. 

Sabi ni Charice sa isang interview,

"Feeling ko noon na I'm gonna come out as a lesbian because feeling ko nung time na 'yon, sabi ko, either bakla or tomboy ang nare-recognize.

"Kahit na, dati, i-explain mo na lalaki ako, ang sasabihin sa akin, 'Hindi, tomboy ka eh.' Parang 'yon lang 'yung meron."

Si Jake ay nagdesisyon na sumailalim sa br3ast removal surgery at testosterone hormone therapy. Hanggang sa kasalukuyan ay marami pa din ang nanunuya kay Jake sa kaniyang transformation. Si Jake ay tinangkilik sa kaniyang talento sa pagkanta.

Monique Wilson

November 2012 naman nang aminin ng theatre actress at women's right activist na si Monique Wilson ang katotohanan na siya ay isang lesbian. Ayon kay Monique, ang desisyon niyang paglantad ay may kaugnayan sa proyektong One Billion Rising, ang kampanya para tuldukan ang pang-aabuso sa mga kababaihan.

Si Monique ay naka-base sa London. Ayon sa kaniya, tuwing umuuwi siya sa Pilipinas ay nakikita niya ang hindi magandang pagtrato sa gay community dito at ang mga karahasang kanilang nararanasan. Kwento ni Monique sa isang interview noon, siya ay kumportable sa kaniyang sexuality dahil hindi naman ito big deal sa theatre industry na kaniyang kinabibilangan.

Aniya,

"For many, many years, I mean I didn't consciously blurt it out in press conferences. I wasn't afraid or ashamed... I just didn't feel the need to shout it out because it might distract from my work."

Deirdre Veneracion

Full support naman ang aktor na si Ian Veneracion sa kaniyang anak na si Deirdre Veneracion nang umamin ito sa kaniya bilang lesbian noong 16-year-old pa lamang ito. Sa interview ng mag-ama sa Magandang Buhay show ng ABS-CBN, ikinwento ni Ian ang ginawang paglantad sa kaniya ng anak.

Kwento ng aktor,

"Kinakalikot ko 'yung mga motor ko, dumating siya, medyo teary eyed. Sabi niya 'Daddy, I have to tell you something.' Sabi ko, 'What? Sit down.' Sabi niya, 'I like girls.' Tapos sabi ko sa kaniya, 'Me also I like girls.'

"So parang nagtataka siya, sabi niya, 'It's okay?' Sabi ko, 'Yes. Just don't be ever apologetic about it, not even to me.' Sabi ko, 'You can be whoever you want to be and I have full support.

"Natawa siya. Sabi niya, 'You know?' Sabi ko, 'Oo naman, bata ka pa ang macho mo na.' So alam ko na dati."

Crystal Brosas

Nito lang ika-45 na kaarawan ni K Brosas ay inamin nila ng kaniyang anak na si Crystal sa pamamagitan ng kanilang YouTube channel na si Crystal, kaisa-isang anak ng singer at komedyante na si K Brosas ay isang lesbian. 

Ayon ka K,

"Sa mga nagtatanong, matagal ko ng alam. High school pa lang alam ko na 'yan bilang nanay and wala akong g4lit, wala akong bwisit. Tinanggap ko.

"Anak, kahit ano ka, kahit halamang dagat ka pa, mamahalin kita. Kasi, that's you know, unconditional love bilang magulang. At dapat sa nakakapanood nito na sinusumpa 'yung mga anak nila dahil ganyan, religious, sorry please hindi. Kung anak mo 'yan, unconditional yan. And I'm very proud sa anak ko."

Humingi din ng paumanhin si K sa mga taong hindi nakakaintindi sa sitwasyon ng anak. Expected niya na daw ang mga negative reactions mula sa ibang tao. 

Saad ni K, 

"Mas importante kaligayahan ng anak ko. Ito ang gusto niya, so wala kayong pakeelam."

No comments:

Post a Comment