Saturday, January 1, 2022

Grab rider, Emosyonal Matapos Bigyan Ng Hindi Inaasahang Regalo Mula Kay Dra. Vicki Belo


Hindi maipagkakaila na napakaraming tao ang humahanga at iniidolo ang celebrity dermatologist na si Dra. Vicky Belo. Bukod kasi sa kaniyang husay pagdating sa pagpapaganda ng mga kilalang artista at pagiging life goals ng kaniyang buhay, siya din ay mayroong napakagandang puso at palaging handang tumulong sa mga kapwang nangangailangan.

Sa kaniyang mga social media accounts, makikita ang buhay na tinatamasa ngayon ng doktora  at kung gaano siya kamahal ng mga kilalang aktres, aktor, at mga personalidad sa industriya dahil sa kanilang koneksyon.

Dahil sa marangya at masaganang buhay na mayroon siya ngayon ay madali na lamang para sa kaniya na bumili ng kahit anong luxury items na kaniyang gusto katulad ng mga shoes, bags, at marami pang iba.


Gayunpaman, sa kabila ng pagkakaroon ng matagumpay na buhay, nananatili pa ding mapagkumbaba si Dra. Belo at nananatiling nakaapak ang paa sa lupa. Hindi din nakakalimutan ni Dra. Belo na ibahagi ang mga biyayang natatanggap niya sa pamamagitan ng pagbibigay ng handog at regalo mula sa mga taong malalapit sa kaniya, sa mga estranghero, at sa mga taong nangangailangan.

Isa na nga dito ang grab driver na ito na hindi napigilan na maluha dahil sa regalong natanggap niya mula kay Dra. Belo na siyang kumumpleto sa kaniyang pasko.


Sa vlog ng celebrity doctor, ibinahagi niya na nais niyang gumawa ng isang act of kindness para sa isang random stranger at isang grab driver nga ang kaniyang napili.

Umorder ng iba't ibang pagkain si Dra. Belo at hinintay niya itong maideliver sa kaniyang bahay. Ngunit noong dumating na ang rider ay sinabi ng doktora na lahat ng kaniyang inorder ay para talaga dito.

Hindi naman makapaniwala ang rider dito ngunit mas lalo siyang nagulat noong abutan na siya ni Belo ng P8000!

Samantala, umani naman ito ng mga positibong komento mula sa mga netizens.


Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Vicky Belo has really a good heart… That’s why she was so bless… God bless vicky.”

“It’s nice to see people like Dra. Vicki Belo with a big heart and very humble.”

“More blessings pa po Doc Vicky para marami pa kayong matulongan,God bless you.

No comments:

Post a Comment