Friday, January 7, 2022

Coleen Garcia, Inamin Na Ang Pag-inom Ng Sariling Placenta Ang Isa Sa Mga Tumulong Sa Kaniyang Pagpapalakas


Sa YouTube channel ng mag-asawang sina Coleen Garcia at Billy Crawford na "The Crawfords", ibinahagi ng aktres na si Coleen ang kaniyang journey sa panganganak. Ayon sa kaniya, siya ay nahirapan sa pag luwal ng kanilang first baby ni Billy na si Amari ngunit ito ay napagtagumpayan niya dahil na din sa suporta na ibinibigay sa kaniya ng kaniyang asawa.

Ipinanganak ni Coleen si baby Amari sa pamamagitan ng water birth procedure. Sa documentary video, doon ay makikita kung gaano nahirapan si Coleen sa panganganak ngunit hindi siya iniwan at nanatili lamang sa kaniyang tabi ang asawa na si Billy noong mga panahon na iyon.

Noong nagla-labor ang aktres, napabulong naman si Billy ng "he's got a lot of hair" na isa sa mga rason na sa pagpapatuloy ng pag-push ni Coleen hanggang sa makalabas na ang sangg0l.


Matapos iluwal si baby Amari, kaagad namang pinainom si Coleen ng kaniyang Doula na si Irina Otkmakhova ng isang fruit smoothie na may halong placenta. Ang pag-inom kasi ng place ay nakakatulong para maging mabilis ang pag galing ng isang ina na bagong panganak.

Ani ng aktres,

"I felt like it had a good effect on me"


Dagdag pa niya,

"This is our story, and Amari's birth has been nothing but good and beautiful to us. Everyone's story and experiences are different, so if you find yourself here, please share the good vibes with us! No disrespect and negativity please."

Katulad na lamang ni Max Collins na nanganak din gamit ang water birth procedure kung saan ito ay pinainom din nang Doula ni Coleen ng placenta.

Ayon sa isang website na Mother and Baby, ang pag-inom umano ng place ay nakakapagbigay ng maraming vitamins para sa mga bagong nanganak na mabilis nakakatulong para sa kanilang paggaling.

No comments:

Post a Comment