Monday, January 3, 2022

Natatandaan Niyo Pa Ba Si Lenlen Sa Tropang Potchi? Ito Na Pala Siya Ngayon


Naaalala niyo pa ba ang dating childstar sa GMA-7 na si Isabel Frial o mas nakilala sa kaniyang screen name na Lenlen?

Maraming mga manonood noon ang talagang humanga at kinagiliwan siya dahil sa kaniyang taglay na cuteness at pagiging bibo. Mas lalo pa siyang napansin ng publiko noong siya ay napasama sa informative children's show na Tropang Potchi ng Kapuso network noong 2009. 

Kasama niya sa nasabing show ang mga dating kilalang child star na kinagiliwan din ng marami kagaya nina Bianca Umali, Sabrina Man, Miggy Jimenez, Ella Cruz, Miggs Cuaderno, Julian Trono at marami pang iba. Kasama din nila sa talent show na ito ay ang isang mascot na si Potchi.


Dito nga sa nasabing programa ay ginawaran si Lenlen bilang Best Children's Show Host noong 27th PMPC Star Awards for Television.

Bukod dito, si Lenlen ay nagkaroon din ng ilang mga teleserye at pelikula. Isa na nga dito ang palabas na "Alice Bungisngis and Her Wonder Walis" na pinagbidahan ni Bea Binene at ang pelikulang "Ang Panday 2" na pinagbidahan naman nina Marian Rivera, Philip Salvador at Bong Revilla.


At ngayon ay isa na ngang ganap na dalaga si Lenlen. At kamakailan lamang nga ay muli siyang nasilayan sa telebisyon noong siya ay gumanap bilang school mate nina Joaquin Domagoso at Cassy Legaspi sa kakatapos lamang na serye ng GMA-7 na "First Yaya".

Sa ngayon ay nag-aaral din si Lenlen at nitong taon nga ay siya ay senior high school na.


Kagaya ng mga child stars noon, marami din ang nagulat sa kaniyang transformation.

Narito ang komento ng ilan:

"Ang laki mo na ngayon para kailan lang ang liit liit mo pa, singkit ang mata at yung cheeks mo na sobrang sarap pisilin. Kayong dalawa ni Ryzza ang bilis niyo lumaki at ganda niyo pareho."

"Dati pinapanood ko lang kayo sa Tropang Potchi ngayon dalaga na kayo. Sana magsama sama kayo nina Ella Cruz, Julian Trono, Bianca Umali at yung iba niyo pang nakasama doon sa isang proyekto."

No comments:

Post a Comment