Saturday, January 1, 2022

Derek Ramsay Nagbigay Ng Komento Tungkol Sa Pagiging Ama Nito Sa Anak Ni John Lloyd Cruz, Ikinagulat Ng Mga Netizens


Sinagot ng aktor na si Derek Ramsay ang isang netizen sa ginawa nitong pagkukumpara sa kanila ng aktor na si John Lloyd Cruz kaugnay sa anak nina John Lloyd  at kaniyang asawa na si Ellen Adarna na si Elias.

Noong June 27 ay ipinagdiwang ni Elias ang kaniyang ika-3 taong kaarawan.  Sa Instagram post ni Ellen ay ibinahagi niya ang birthday celebration ng kaniyang anak.

Sa nasabing larawan, makikita na magkasama sina Derek at Ellen na ipinagdiwang ang kaarawan ni Elias kung saan ang birthday motif nito ay Spiderman.


Samantala, sa post naman ni John Lloyd ay mapapansin na pareho ang naging birthday theme sa kaarawan ng kanilang anak.

Sa Instagram post naman ni Derek ay ibinahagi niya ang ilang larawan nila ni Elias na magkasama kung saan makikita ang mga bonding moments nilang dalawa.

Caption ng aktor,

"Happy birthday babiguling!! Love ya buddy!!"


Dahil dito, hindi naman maiwasan ng ilang netizens na ikumpara si Derek kay John Lloyd. May ilan na nagpahayag ng kanilang paghanga kay Derek dahil sa pagiging mabuting stepdad nito kay Elias.

May netizen naman na nagsabi na dapat daw ay magpasalamat si John Lloyd kay Derek. Ngunit hindi ito ikinatuwa ni Derek at kaagad niyang nilinaw na isang mabuting ama si John Lloyd kay Elias.

Sagot ni Derek sa nasabing komento,

"Bro that's not nice. Jl is a good father to Elias."


May netizen naman na sumagot sa komento ni Derek at sinabi na dapat ay hindi ito maging considerate sa nararamdaman ng aktor.

Saad naman ng isa pang netizen,

"na sau na nga c ellen pati ba nmn c elias"

Sinagot naman ni Derek ang mga netizens na bumabatikos sa kanila ni John Lloyd at sinabi na maayos sila ng aktor at walang isyu sa pagitan nila.

Saad niya,

"Sorry but that's such an awful thing to say. Jl and I have no issues. He is a great father to Elias and I am not trying to replace him as the [father] of Elias."

Dagdag pa ni Derek, kailanman daw ay hindi niya naisip na palitan si John Lloyd bilang ama para sa anak nitong si Elias. Sapat at kontento na siya na nakikitang masaya sa piling niya sina Ellen at Elias.

No comments:

Post a Comment