Showing posts with label News. Show all posts
Showing posts with label News. Show all posts

Wednesday, January 19, 2022

Isang Kilalang Aktres, Inamin Na Siya Ay Naghihirap Na Ngayon!


Hindi maikakaila na marami ang apektado sa bangis na dala ng pand3miya na kumakalat sa buong mundo. Marami ang nagutom, nawalan ng trabaho, negosyo, at hanapbuhay. Walang pinipiling katauhan ang pand3miya, mapa ordinaryong tao man o mga kilala sa industriya ng showbiz.

Isa na nga dito ang aktres na si Alessandra de Rossi. Sa isang panayam, sinabi ng aktres na simula noong dumating ang pand3miya ay nawalan na din siya ng proyekto. Ito ay dahil labis siyang nag-iingat at takot siyang mahawahan ng C0VID-19 kung kaya't ang mga inaalok sa kaniya na mga proyekto ay tinatanggihan niya.

Inamin ni Alessandra na bago pa man dumating ang pand3miya ay anim na shows at tatlong pelikula ang kaniyang tinanggihan na gawin noong nakaraang taon dahil sa pangit na mensahe nito. Ang dahilan umano kung bakit hindi siya gaanong napapanood sa telebisyon at big screen ay dahil sa pagiging choosy niya pagdating sa mga gagampanang role.


Matatandaan na inamin ni Alessandra sa isang panayam na nakapagbenta na siya ng isang sasakyan dahil sa kawalan ng proyekto. Ngayon naman ay muling inamin ng aktres na paubos na ang kaniyang naipong pera sa bangko.

Sa paglalahad ng aktres, sinabi nito na ang kaniyang bank account ay papa-bankrupt na at P18,000 na lamang ang laman nito.


Aniya,

"Of course, financially, walang pumapasok. Yung bank account ko right now is pa-bankrupt na. I only have P18,000 in my account."

Ibinahagi din ng aktres ang mga hamon sa buhay na sabay sabay na dumating sa kaniya ngayong pand3miya. Isa na sa kaniyang mga inaalala ay ang pagkakasakit ng kaniyang ama sa Italy. 

Dagdag pa niya,

"At the same time, sabay-sabay naoospital ang mga tao for many reasons. My father was hosp1talized lately. Nakakatatlong op3rations siya..."


Labis din ang pagkakabagabag ni Alessandra sa dami ng problema na kinakaharap. Ayon sa kaniya, ito ang unang pagkakataon na nahirapan siya ng ganito at hindi na niya alam kung saan kukuha ng kasagutan sa mga tanong na bumabagabag sa kaniya.

Saad ng aktres,

"Kasi, ako si Miss O, ang problema?' Ok, let's fix this. Ok, gagawa tayo ng paraan. What if ganito, what if ganyan? It's the first time in my life that I don't have the answers."

Isang Pulis, Nabigla Sa Detective Skills Ng Asawa Nito Para Siya Ay Mahuli Na Kasama Ang Kaniyang Bagong Kasintahan!


Dumulog kamakailan lamang ang legal na asawa ng isang pulis sa programa ni Raffy Tulfo na "Raffy Tulfo in Action" para ipatanggal ang kaniyang asawa sa serbisyo matapos ang panlol0ko na ginawa nito sa kaniya. Ngunit, ang mga netizens, maging si Tulfo ay natawa at naaliw matapos makita ang reaksyon ng pulis noong mahuli siya ng kaniyang asawa na natutulog kasama ang bago niyang kasintahan.

Dahil sa kaniyang instinct na baka mayroong ibang babae ang kaniyang asawa, napagpasyahan ni Mary Joy Pescante na kumuha ng isang habal habal o motorcycle driver para sundan ang kaniyang asawa na si PCpl Ferry Pescante sa police station sa Mandaue City, Cebu matapos sabihin nito na kailangan na niyang pumasok dahil siya ay naka-duty na.

Nang hindi makita ni Mary Joy ang motorsiklo ng asawa sa police station, sinabi naman niya sa habal habal driver na pumunta sa lugar kung saan niya pinaghihinalaan na nakatira ang kab1t ng kaniyang asawa na si Shiela May. Sila ay nagiikot ikot lamang sa lugar para hanapin ang bahay ni Shiela May noong makita niya ang motorsiklo ng asawa na nakaparada sa isang bahay.


Noong makita na nasa labas ng bahay ang ina at kapatid ni Shiela May, kaagad na pumasok sa loob si Mary Joy at umakyat sa kwarto para mahuli ang asawa na kasama ang bagong kasintahan nito. Ngunit, bago pa man niya gawin iyon, siniguro muna niya na ang habal habal driver ay hihingi ng tulong mula sa barangay sa naturang lugar.

Siniguro din ni Mary Joy na siya ay makakakuha ng video matapos mahuli ang dalawa na natutulog sa kama ng magkatabi. 

Mariin namang itinanggi ng pulis ang alegasyon ng kaniyang asawa laban sa kaniya at sinabi na hindi niya kasintahan ang babae. Hindi naman naniwala si Tulfo sa pulis, lalo na dahil kitang kita sa video kung nasaan ang kamay ni Shiela May.

Isang Sawa, Nabigyan Ng Leksyon Matapos Nitong Kainin Ang Isang Porcupine


Ang phytons o sawa ay tinuturing bilang isa sa mga pinakamapang4nib na hayop sa buong mundo. Hitsura pa lamang nila, idagdag pa ang malaking hugis ng kanilang katawan, ay talaga nga namang nakakapagdulot ng tak0t para sa karamihan.

Ngunit, tila ang sawa na ito ay naranasan ang pinakapangit na pangyayari sa kaniyang buhay matapos nitong mapagpasyahan na kumain ng isang porcupine.

Habang naglalakbay ang isang siklista sa bike trails sa Lake Eland Game Reserve sa KwaZulu-Natal, South Africa, napansin niya ang isang napakalaking sawa. Kaya naman napagpasyahan ng siklista na kuhan ito ng mga larawan at i-post sa social media kung saan madali nitong nakuha ang atensyon ng marami na nais makita ang nasabing sawa ng personal.


Marami namang mga tao ang pumunta sa parke sa mga sumunod na araw para lamang makita ang nasabing sawa. Marami ang nagtataka kung ano nga ba ang nakain nito dahil ang katawan nito ay lumawak pa sa mas malaking hugis. May iba't ibang mga spekulas tungkol sa mga hayopn na maaaring matagpuan sa nasabing gubat ngunit walang kumpirmasyon hanggang sa nam4t4y na nga ang sawa ilang araw ang nakalipas.

Kaya naman napagpasyahan ng mga staff at visitor na buksan ang katawan ng ahas para malaman kung ano ang nasa loob nito upang maipaliwanag na din ang dahilan nang pagk4wala ng ahas.


Laking gulat na lamang nila sa kung ano ang nakita sa katawan nito. Isang 30-lb o 13.8 kilogram na porcupine lang naman ang kanilang natagpuan sa katawan nito!

Gayunpaman, hindi pa din malinaw kung ang porcupine ba ang responsable para sa pagkam4tay ng sawa. Ang nasabing sawa ay natagpuan sa mabatong lugar kung saan ito b1nawian ng buhay. Sa impact nito, ang mga pakpak ng porcupine sa loob ng sawa ay maaaring tumusok sa tyan ng sawa na dahilan ng pagk4matay nito.

Isa Na Namang Batikang Komedyante, Ginulat Ang Karamihan Sa Pagpanaw Nito


Pum4naw na ang beteranong komedyante na si Don Pepot o Ernesto Fajardo sa tunay na buhay sa edad na 88.

Ayon sa kaniyang anak na si Michelle Fajardo, na nagkumpirma sa malungkot na balitang ito sa Super Radyo DZBB, puman4w si Don Pepot nito lamang Martes ng gabi, January 18, 2022 sa Veteran Memorial Hospital dahil sa pneumonia na dala ng C0VID-19.

Nagsimula ang acting career ni Don Pepot noong 1964, at tinatayang nasa mahigit isandaang pelikula din ang kaniyang nagawa noong mga panahon na siya ay aktibo pa sa showbiz industry.


Ang huling proyekto na ginawa ni Don Pepot ay ang 'Agimat, Si Enteng Kabisote at si Ako' na official entry para sa Metro Manila Film Festival 2012. Siya ay huling napanood naman sa telebisyon noong naghandog ng tribute para sa kaniya ang programa ng GMA-7 na Sunday PinaSaya noong July 2018.

Si Don Pepot ay ginawaran ng Sunday PinaSaya ng kauna-unahang Puso ng Saya award dahil sa kaniyang pagbibigay ng inspirasyon at kasiyahan sa publiko.


Noong June 2005 naman ay ginawaran si Don Pepot ng Lou Salvador Sr. Memorial Award sa 53rd FAMAS dahil sa kaniyang mga naging kontribusyon sa industriya ng pelikulang Pilipino bilang komedyante.

Ayon sa anak na lalaki ni Don Pepot na si Michael Fajado, isa sa mga hindi niya malilimutang pangaral sa kanilang magkakapatid ng kaniyang ama noong ito ay nabubuhay pa ay ang itapon ang mabuti at pulutin ang masama.

"Itapon ninyo ang mabuti at pulutin ninyo ang masama. Kaya ko sinabi na itapon ninyo ang mabuti para mapulot ng iba at sila ay maging mabuting tao. 


"Pulutin nino ang masama, ibaon ninyo sa lupa at nang mawala ang masama," ang life lesson ni Don Pepot na kailanman ay hindi makakalimutan ni Michael at ng kaniyang mga kapatid.

Sa pahayag ni Michael, sinabi niya na sa Karuhatan de Solennel iki-cremate ang mga labi ng kaniyang ama ngayong Miyerkules ng umaga, January 19.

Magsisimula naman sa January 20 ang wake ni Don Pepot sa Solennelle Funeral Homes along Maysan Road, Valenzuela City.

Tuesday, January 18, 2022

Billy Crawford, Naging Emosyunal Nang Madatnan Niyang Ganito Si Coleen Garcia Sa Kanilang Bahay


Ibinahagi ng TV host at aktor na si Billy Crawford ang nakakaantig tagpo na bumungad sa kaniya noong siya ay umuwi ng kanilang bahay.

Kaakibat ng maiksing video na ini-upload niya sa kaniyang Instagram account ay ang matamis niyang pagbati para sa kaniyang asawa na si Coleen Garcia sa kanilang ikatlong anibersaryo bilang mag-asawa.

Sa naturang video, makikita si Coleen na nakatulog na habang pinapadede ang kanilang anak na si Amari Jaden. 

Mababasa naman sa caption ng kaniyang post ang nakakakilig na mensahe ng TV host para sa asawa na si Coleen na pinuri niya dahil isa umano itong mabuting asawa at amazing na ina sa kanilang pamilya.


Saad ni Billy,

"Happy happy 3rd anniversary my love! Seeing you walk down the isle was so beautiful. But coming home to this and seeing you become an amazing mom but even a better wife, now that’s pure beauty!"

Dagdag pa niya,

"Happy anniversary and I love you so so much! I pray that God will continue to bless us and guide our family to joy and success! My love! I came home to this by the way!"


Samantala, sa Instagram post naman ni Coleen, pinuri niya ang kaniyang mister dahil sa pagiging mabuting ama at asawa nito at pagsisikap din nito para sa kanilang pamilya.

Pahayag ni Coleen,

"Happy(est) anniversary, my love! Thank you for assuring me every day that you love, appreciate, value, understand, and support me no matter what. You're all I'll ever need in a partner. I'm so thankful for you, and so proud of the husband and daddy that you are."


Dagdag niya,

"You continue to grow so much because you are so humble and you genuinely care and want to be better for the people in your life. Thank you for giving us your all, and for keeping us in your mind in everything you do! Three cheers for three years of marriage, and for our little family of three! I'll never stop thanking God for the both of you."

Unang nabuo ang pagmamahalan nina Coleen at Billy sa longtime variety show ng ABS-CBN na "It's Showtime" kung saan sila ay naging magkatrabaho bilang mga host.

Una naman nilang kinumpirma ang kanilang relasyon noong taong 2014. Noong Abril 20, 2018 naman ay nagpakasal na ang dalawa sa Balesin Island sa Polillo, Quezon at sila nga ay biniyayaan ng charming at cute na baby na si Amari Jaden.

Lumang Larawan Ng Komedyanteng Si Pooh Noong Kabataan Niya, Kinaaliwan Ng Mga Netizens


Tayong mga tagahanga at tagasubaybay sa ating mga paboritong artista, isa sa ating mga inaabangan sa kanilang buhay ay ang pagpo-post nila ng kanilang mga lumang larawan sa kanilang mga social media accounts. 

Sa ganoong paraan kasi ay nakikita natin kung ano ang kanilang mukha bago pa nila pasukin ang industriya ng showbiz at nakikita din natin kung sino talaga sila.

Marami sa atin ang bumibilib at humahanga sa ating mga iniidolong personalidad sa tuywing sila ay nagbabahagi ng kanilang mga lumang litrato habang ang iba naman sa kanila ay talagang nakakapagbigay ng goodvibes sa marami sa atin dahil sa mga nakakatawang caption ng kanilang post. 


Isa na nga dito ang komedyanteng si Pooh o Jay Patrick Roquero sa tunay na buhay. Si Pooh ay isa lamang sa mga komedyante na nakapagbigay sa atin ng walang hanggang kasiyahan at nagpatawa sa atin ng lubos dahil sa kaniyang mga nakakatawang hirit o joke. Bukod pa diyan, hinahangaan din ng marami si Pooh dahil sa kaniyang husay pagdating sa pagi-impersonate ng iba't ibang personalidad sa Pilipinas kagaya na lamang ng Boxing Champ at kasalukuyang senador ng bansa na si Manny Pacquiao.

Mas nakilala pa si Pooh nang siya ay maging miyembro ng comedy program ng ABS-CBN na 'Banana Split' kung saan nakasama din niya ang iba't ibang mahuhusay na artista at komedyante kagaya nina Angelica Panganiban, John Prats, Jayson Gainza, at marami pang iba.


Bukod sa kaniyang husay sa pagpapatawa, mas tumatak din sa puso ng mga manonood ang kaniyang pisikal na kaanyuan, lalo na ang pagkawala ng kaniyang buhok.

Sa post na ibinahagi ni Pooh sa kaniyang social media ay marami ang napahanga at bumilib nang makita nila sa unang pagkakataon ang komedyante at aktor na mayroong malagong buhok. Kaakibat ng lumang larawan niya na ito ay ang maikling caption na nagtatanopng kung sino ang nagsasabi na siya ay panot.


Umani naman kaagad ng iba't ibang komento mula sa mga netizens pati na din sa kapwa niya artista ang post na ito ni Pooh. May ilan pa nga na nagsabi na kahawig niya talaga ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao noong siya ay mayroon pang buhok.

Monday, January 17, 2022

Piolo Pascual, Ipinakilala Na Sa Publiko Ang Ina Ng Kaniyang Anak


Ang Kapamilya star na si Piolo Pascual ay isa sa mga kilala at hinahangaang personalidad sa mundo ng showbiz. Kaya naman marami sa kaniyang mga tagahanga ang talagang nagulat nang malaman na siya ay mayroon na palang anak na lalaki, at ito nga ay walang iba kundi si Inigo Pascual.

Ngunit kahit ilang taon na ang lumipas simula nang ipakilala ni Piolo si Inigo sa publiko, hindi pa din binabanggit ng aktor kung sino nga ba ang ina ng kaniyang anak.

Itinago din ni Piolo ang balitang ito tungkol sa pagkakaroon niya ng anak sa matagal na panahon dahil aniya ay nais niyang magkaroon ng pribadong buhay si Inio.


Hindi naman maipagkakaila na maraming pagkakaparehas sa isa't isa sina Piolo at Inigo. Si Inio ay ipinanganak ng kaniyang ina na si Donnabelle Lazaro noong Setyembre 14, 1997. Si Donnabelle ang dating kasintahan ng Kapamilya actor.

Pinili niya na manirahan sa abroad para magkaroon siya at ang kaniyang anak ng pribado at tahimik na buhay malayo sa limelight. Ngunit nang mapagpasyahan ni Inigo na bumalik sa Pilipinas at sundin ang kaniyang pangarap, hindi nagdalawang isip si Donnabelle na payagan ang anak. Ayon sa kaniya, susuportahan niya ang kaniyang anak sa mga bagay na makakapagpasaya dito.


Masaya din si Donnabelle sa mga bagay na na-achieved na ng kaniyang anak. 

Inamin din niya na noong una ay hindi magaling si Inigo sa pagkanta. Ngunit dahil sa kaniyang dedikasyon na matuto sa pag-awit ay hindi naman nabigo si Inigo dahil isa na nga ito ngayon sa pinakamagaling na mang-aawit sa bansa at isa sa mga sumikat niyang kanta ay ang 'Dahil Sayo.'

Malaki din ang pasasalamat ni Inigo sa kaniyang mga magulang na walang sawang nagbibigay ng suporta sa kaniyang mga pangarap at nais maabot sa buhay at sa pagmamahal na ibinibigay nila sa kaniya.

Cristy Fermin, Ibinunyag Ang Masamang Panaginip Niya Tungkol Kay Kris Aquino


Sobrang pag-aalala nga ang nararamdaman ngayon ni Cristy Fermin tungkol sa health condition ng actress-TV host na si Kris Aquino. Madalas umano ay ipinagdarasal niya na malampasan na ni Kris ang punto na ito ng kaniyang buhay kung saan madalas siyang makaramdam ng s4kit at paghihirap dahil sa kaniyang medical condition.

Ayon kay Cristy, sa kaniyang panaginip nakita umano niya na nakaalis na si Kris papuntang ibang bansa upang magpagamot at nanatili sa ospital sa loob ng dalawang linggo. Pero ang hindi magandang pangyayaring kasunod sa kaniyang ay b1nawian umano ng buhay si Kris. 

Gayunpaman, sinabi ni Cristy na hindi siya naniniwala na ang panaginip na ito ay magkakatotoo. Dahil ayon sa mga naririnig niya ay kabaliktaran umano nito minsan ang nangyayari sa totoong buhay.


Aniya,

"Hindi maganda ang gising namin kahapon. Napanagi­nipan namin si Kris Aquino. Bumiyahe raw siya sa ibang bansa para magpagamot. Nakadalawang linggo raw naman siya sa ospital pero binawian din siya ng buhay.

"Bago kami natuloy ay ipinagdasal pa namin si Kris. Ilang linggo na namin siyang ibanabahgi sa aming mga panalangin. 'Yun lang naman kasi ang maitutulong namin sa kanyang pinagdadaanan ngayon.

"Kabaligtaran daw ang panaginip. Ibig sabihi’y lalakas pa si Kris at natatagpuan na ng mga espesyalista kung saan nagmumula ang kanyang s4kit." 


Matatandaan na sinabi ni Cristy na maging ang gobyerno ay nagbigay na ng assistance upang si Kris ay matuloy na ang paglipad sa Amerika upang makapagpagamot. Akala niya nga ay sa Singapore ito pupunta pero natuloy na pala ito sa Singapore at nakauwi ng walang anumang sagot sa kaniyang s4kit. Kaya naman ngayon ay pupunta na ito sa America upang doon humanap ng lunas.

"Tinutulungan na siya ng mga taga-gobyerno para makalipad agad ng Amerika. Kasi magkakaroon talaga ng medical emergecy, 'yun ang ginagamit nila, medical emergency. 

"Akala ko matutuloy siya sa Singapore... Eh pa'no nga e umuwi naman siya na wala rin namang nangyari, 'di ba? Hindi rin natunton kung saan nanggagaling 'yung kaniyang s4kit. So iiba naman siguro siya ngayon."

Matapos magkaroon ni Kris ng autoimmune dis3ase o kondisyon kung saan ang ating immune system ay inaatake mismo ang ating katawan. Si Kris ngayon ay may chr0nic sp0ntaneous urtic4ria o tinatawag din itong h1ves. Ito ay matinding pamumula ng balat at matinding pagpapantal, all3rgic reaction ito mula sa kinain o nainom na gamot. Kinakailangan ni Kris ng tamang dosage ng anti-hist4mines para hindi na lumala at magkaroon pa ng mas matinding all3rgic reactions.

Sa kasalukuyan, may limang dis0rders na ang aktres. Maliban sa chr0nic spontaneous urticaria, mayroon ding sev3re migr4ine, hyp3rtension, fibr0myalgia, at overproduction ng thyr0id antib0dies si Kris.