Thursday, December 30, 2021

Kilalanin Ang Mga Personalidad Na Hindi Pumasa Kay Mommy Divine Para Sa Anak Na Si Sarah Geronimo


Hindi maipagkakaila na isa si Sarah Geronimo sa mga kilala, hinahangaan, at pinakamagandang singer-actress sa Philippine showbiz industry. Sa kaniyang  down to earth personality, good looks, at angking husay sa pagkanta at pag-arte, hindi na nakakapagtaka kung bakit marami ang humahanga sa kaniya.

Kilalanin natin ang mga lalakeng dumaan sa buhay ni Sarah Geronimo bago niya natagpuan si Matteo Guidicelli.

1. Mark Bautista

Ang singer na si Mark Bautista ay isa sa mga unang nakatrabaho ni Sarah sa showbiz. Ito ay umamin noon na nais niyang ligawan si Sarah ngunit kalaunan ay umamin siya na isa siyang bisexual. Ngayon ay isa ng matalik na magkaibigan ang dalawa.

2. John Lloyd Cruz

Unang nagkatrabaho ang matinee idol na si John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo sa isang episode ng MMK noong 2006. Matapos ang dalawang taon, nagkaroon ng proyekto ang dalawa kung saan sila ang naging leading stars. Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na nagkaroon ng crush ang dalawa sa isa't isa ngunit hindi na nila ito pinalalim pa dahil sa commitments maliban sa pelikula.

3. Rayver Cruz

Bata pa lamang umano ang Kapuso hunk actor na si Rayver Cruz at Sarah noong sila ay naging magkarelasyon. Ngunit hindi nila ito inilabas sa publiko. Hindi din naman nagtagal ang kanilang relasyon dahil sa pag-ayaw ni Mommy Divine Geronimo, ang ina ni Sarah.

4. Gerald Anderson

Naging magkatrabaho sina Gerald Anderson at Sarah sa pelikula na 'Catch Me I'm Falling'. Inamin din noon na nagustuhan niya si Sarah at planong ligawan ngunit katulad ng ibang manliligaw ng aktres, hindi din ito natuloy dahil kay Mommy Divine.

5. Sam Milby

Ang aktor at singer na si Sam Milby ay nakatrabaho si Sarah sa TV show na 'Idol'. Matapos nito, kumalat ang balita ng pagkakaroon ng crush ni Sam kay Sarah ngunit ito ay hindi din lumalim dahil na naman muli kay Mommy Divine.

6. Coco Martin

Nakasama ni Sarah ang aktor na si Coco Martin sa ilang mga proyekto tulad ng 'Idol'. Katulad ng ibang aktor, nagkagusto din daw si Coco kay Sarah matapos ang kanilang mga proyekto pero tulad ng iba, hindi din ito natuloy dahil sa hindi pag-apruba o pagpayag ni Mommy Divine.

7. Matteo Guidicelli

Si Matteo Guidicelli ay ang asawa na ngayon ni Sarah Geronimo. Sa kabila ng mga pagsubok at kontrobersiya na hinarap ng kanilang relasyon, pinatunayan pa din nila kung gaano nila kamahal ang isa't isa.

No comments:

Post a Comment