Hindi maikakaila na marami ang apektado sa bangis na dala ng pand3miya na kumakalat sa buong mundo. Marami ang nagutom, nawalan ng trabaho, negosyo, at hanapbuhay. Walang pinipiling katauhan ang pand3miya, mapa ordinaryong tao man o mga kilala sa industriya ng showbiz.
Isa na nga dito ang aktres na si Alessandra de Rossi. Sa isang panayam, sinabi ng aktres na simula noong dumating ang pand3miya ay nawalan na din siya ng proyekto. Ito ay dahil labis siyang nag-iingat at takot siyang mahawahan ng C0VID-19 kung kaya't ang mga inaalok sa kaniya na mga proyekto ay tinatanggihan niya.
Inamin ni Alessandra na bago pa man dumating ang pand3miya ay anim na shows at tatlong pelikula ang kaniyang tinanggihan na gawin noong nakaraang taon dahil sa pangit na mensahe nito. Ang dahilan umano kung bakit hindi siya gaanong napapanood sa telebisyon at big screen ay dahil sa pagiging choosy niya pagdating sa mga gagampanang role.
Matatandaan na inamin ni Alessandra sa isang panayam na nakapagbenta na siya ng isang sasakyan dahil sa kawalan ng proyekto. Ngayon naman ay muling inamin ng aktres na paubos na ang kaniyang naipong pera sa bangko.
Sa paglalahad ng aktres, sinabi nito na ang kaniyang bank account ay papa-bankrupt na at P18,000 na lamang ang laman nito.
Aniya,
"Of course, financially, walang pumapasok. Yung bank account ko right now is pa-bankrupt na. I only have P18,000 in my account."
Ibinahagi din ng aktres ang mga hamon sa buhay na sabay sabay na dumating sa kaniya ngayong pand3miya. Isa na sa kaniyang mga inaalala ay ang pagkakasakit ng kaniyang ama sa Italy.
Dagdag pa niya,
"At the same time, sabay-sabay naoospital ang mga tao for many reasons. My father was hosp1talized lately. Nakakatatlong op3rations siya..."
Labis din ang pagkakabagabag ni Alessandra sa dami ng problema na kinakaharap. Ayon sa kaniya, ito ang unang pagkakataon na nahirapan siya ng ganito at hindi na niya alam kung saan kukuha ng kasagutan sa mga tanong na bumabagabag sa kaniya.
Saad ng aktres,
"Kasi, ako si Miss O, ang problema?' Ok, let's fix this. Ok, gagawa tayo ng paraan. What if ganito, what if ganyan? It's the first time in my life that I don't have the answers."