Monday, December 27, 2021

Carmina Villaroel, Ikinumpara Si Julia Montes Sa Isa Ring Aktres Na Hindi Marunong Rumespeto Sa Kapwa


Ibinahagi ni Carmina Villaroel ang hindi niya magandang engkwentro sa isang "walang galang" na young star. Kinumpara pa niya ito sa Kapamilya actress na si Julia Montes.

Ito ay ibinahagi ng Kapuso star sa kaniyang panayam noong Enero 26. Tinanong kasi si Carmina kung may pagkakataon ba na nakompronta na niya ang isang artista dahil sa attitude problem.

Bago pa man sagutin ang tanong, ibinahagi muna ni Carmina ang kaniyang karanasan sa nakatrabaho niyang personalidad noong siya ay 18-anyos pa lamang. Noong panahon na iyon ay kak4wala lamang ng kaniyang ina.



Aniya,

"Kinonfront ko siya kung papano niya tratuhin yung mommy niya. So, medyo it's a personal thing."

Nilinaw naman ni Carmina na kinompronta niya ang artista sa maayos na paraan.



Muli namang inalala ni Carmina ang isang young star na talagang walang galang at respeto. Ayon sa kaniya, hindi man lamang umano siya batiin ng aktres o di kaya ay pansinin na tila ba siya ay wala doon.

Para sa aktres, malaking bagay na para sa kaniya ang simpleng pagsabi ng 'hi' o pagpapakilala ng sarili sa isang artista na mas matanda sa iyo. Ngunit, hindi iyon ginawa ng nasabing aktres.



Saad ni Carmina,

"Parang medyo pinangako ko sa sarili ko na ayoko siyang makatrabaho, kasi medyo disrespectful siya. Dahil hindi siya marunong bumati."

Sa kabilang banda, inalala naman ni Carmina ang isang aktres na magalang na pinakilala ang kaniyang sarili kahit pa man sila ay naghahanda na noon para sa kanilang show.


Noong una, ayaw pang sabihin ni Carmina ang pangalan ng aktres na tinutukoy niya dito ngunit nang siya ay tanungin, sinabi niya na ito ay si Julia Montes.

Nagpost pa si Carmina ng larawan ni Julia at sinabi na gustong gusto niya talaga ang huli at nais niyang makatrabaho muli ito. Makalipas ang ilang panahon, sila ay nagkatrabaho sa Doble Kara.

Kinumpara naman ni Carmina si Julia sa "disrespectful" young star na hindi na niya pinangalanan pa.

No comments:

Post a Comment