Monday, December 27, 2021

Heart Evangelista, Hindi Inatrasan Ang Mga Netizens Na Humusga Sa Kaniya Dahil Siya Ay Wala Pang Anak


Hindi pinalagpas ng fashion icon at aktres na si Heart Evangelista ang mga malisyosong komento ng mga netizens sa isa niyang Instagram post kung saan makikita ang ganda ng hubog at ka-seksihan ng kaniyang katawan habang siya ay nasa beach at sinabing namimiss na niya ang pakiramdam na magbakasyon sa mga beach.

Kaagad naman itong nire-upload ng isang fan sa TikTok kung saan inihayag niya ang kaniyang pagkamangha at paghanga sa ganda ng hubog ng pangangatawan ng aktres.

Ngunit kung maraming netizens ang nagpahayag din ng paghanga sa pangangatawan ng aktres at taglay nitong kagandahan, may ilang netizens naman na binatikos si Heart dahil sa katotohanan na wala pa rin siyang anak sa asawang si Chiz Escudero hanggang ngayon.


Ayon sa mga netizens, tila hindi umano nagagamit ng tama ang katawan ng Kapuso aktres dahil hindi pa din siya nagbubuntis hanggang ngayon. May ilan naman ang nagsasabi na ang kaniyang kawalan ng anak ay isang malaking kabawasan sa kaniyang pagkababae.

Samantala, isang netizen naman ang nagbahagi ng mga screenshots ng mga malisyosong komento ng ilang netizens laban kay Heart at ipinost ito sa Twitter. Sinabi niya sa kaniyang Twitter post na hindi tamang husgahan ang kahit sinong babae base lamang sa kanilang kakayahan na maging isang ina o hindi. Sinabi din niya na si Heart ang mayroong desisyon pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa kaniyang katawan.


"Vi0lent reminder that a woman's body does not exist to create children NOR TO BE OWNED BY HER HUSBAND. No woman is any less because she's unable to bear a child.

"Vi0lent kasi ulitin mo pa, mapapat4y na talaga kita."

Kaagad naman itong ni-retweet ni Heart sa kaniyang Twitter account at sinabing,

"Ok na sana lahat.stop telling me to get pregnant unless you really want to hurt me.Nobody knows the real struggle Also may I add life is good people I love are fine and everything else in between is ok so bonus nalang if I do conceice again.it's my body"


Dagdag pa ng Kapuso star,

"I'm not mad just furious how people think na need mo magkaanak para maging masaya . I am already a happy person and grateful tama na ang pressure . Inspire each other nalang tayo."

No comments:

Post a Comment