Monday, December 27, 2021

Kris Bernal, Emosyonal Habang Ibinabahagi Ang Kwento Sa Likod Ng Hindi Pag-renew Sa Kaniyang Kontrata Ng GMA-7


Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na kasalukuyan ngayong freelancer ang aktres na si Kris Bernal simula nang ma-expire ang kaniyang kontrata sa GMA Network. Kaya naman lahat ng oportunidad na dumadating sa kaniya ay kaagad niyang tinatanggap.

Sa isang episode ng programa ni Toni Gonzaga sa kaniyang YouTube na ToniTalks, hindi napigilan ni Kris na maging emosyonal nang siya ay tanungin ni Toni tungkol sa hindi pag-renew ng kaniyang kontrata sa GMA-7.

Emosyonal na paglalahad ni Kris,

"Very difficult talaga for me kasi parang feel ko throughout my career, nandun ako sa network ko, mga 13 or 14 years.


"Alam mo, when I finally got the news, when I finally got the memo na, there were no longer renewing me, parang the first word talaga na nag-struck sa buong katawan ko at buong puso ko I was a failure."

Dagdag pa niya,

"Parang I just didn't fail my self but I also failed my family, I also failed my fans, parang ganun ate Tine. Pero hindi ko lang talaga naintindihan bakit kasi okey naman, I mean, hindi naman ako nag-attitude and then sabi ko nga, lagi ko naman binibigay yung best ko."

"Sinasabi ko nga nung bata pa ako mga 25 to 28. I'll only get mš¯”˛rried kapag naglie-low na yung career ko. Parang naramdaman ko na, okay ikinakasal na ako kasi ito na ba yun, hanggang dito na lang ba talaga."

Noong talent pa lamang si Kris sa GMA Network, madalas daw siyang mayroong mga teleserye pero pangarap din niya na magkaroon ng sarili niyang pelikula. Inamin din ng aktres na kailanman ay hindi pa siya nakakatanggap ng best actress award.


"Sabi ko talaga, 'Sige I would leave my career once na nakatanggap na ako ng best actress award kasi siyempre acting nga yung gusto ko diba. Pero grabe parang I just always nominated pero hindi ko talaga siya nakukuha."

Pagbabahagi pa ni Kris na bata pa lamang siya ay pangarap na talaga niyang maging artista.

"As in gustong-gusto ko ng mag-artista tsaka ang arte-arte ko na. Super arte ko and then bata pa lang ako, magastos na ako, gusto ko iba-iba yung mga clothes ko, bumibili ako ng mga kikay stuff.

"And then sabi ng mommy ko, alam mo, eto ah, naaalala ko talaga ito nung bata ako, sabi niya 'Alam mo hindi ka naman artista pero ang gastos-gastos mo. And then eventually naging artista ako."


Ibinahagi din ni Kris na noong siya ay nag-aaral pa ng elementarya at high school, madalas siyang kabilang sa mga honor students ng kanilang klase.

Aniya,

"Nagta-top 1 ako sa batch. Grabe as in, pinalaki kami ng mommy ko na talagang very studios. Even my sisters lagi rin nasa Top 10 and then until college, nagdi-dean's lister ako, ganun ako lumaki."

No comments:

Post a Comment