Thursday, December 30, 2021

Kilalang Aktor, Ipinakilala Ang Kaniyang 4-any0s Na Anak Na Babae Sa Unang Pagkakataon


Ipinakilala na ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin kamakailan lamang ang kaniyang anak sa kauna-unahang pagkakataon.

Sa isang panayam sa 24 Oras noong Enero 21 lamang, naging emosyonal ang 26-anyos na aktor sa pagbabahagi kung gaano niya kamahal ang kaniyang 4-taong-gulang na anak na babae.

Aniya,

"I have Pre. I love my daughter. I really love my daughter. I miss her every day."

Dagdag pa niya,

"Everytime I call her, 'Daddy misses you every day. Daddy loves you so much."



Ayon sa kaniya, ang ilan umano sa kaniyang malapit na kaibigan sa showbiz ay alam na ang tungkol dito. Ilan sa mga ito ay ginawa pa nga niyang ninong at ninang ng kaniyang anak kasama na si Alden Richards at Bea Binene.

Noong tanungin naman si Kristoffer kung bakit niya ito sa publiko, tugon niya,

"Hindi naman kasi ako malabas ng personal e."



Pinaliwanag din ni Kristoffer ang pagiging pribado niyang tao pagdating sa kaniyang personal na buhay.

At syempre, gusto din niya na ibigay sa kaniyang anak na si Pre ang privacy na nararapat dito. Gayunpaman, inamin niya na matagal na siyang hiwalay sa ina ng kaniyang anak. Ngunit, kahit ganito ang kanilang sitwasyon ay hindi pa din nila nakakalimutan maging isang mabuting magulang para sa kanilang anak na si Pre. Sila ay civil naman sa isa't isa para sa kapakanan na din ng kanilang anak.

Sa ngayon, si Pre ay nasa pangangalaga ng kaniyang ina sa Olongapo kaya naman miss na miss na siya ng aktor. Ito din ang unang pagkakataon na nawalay sa isa't isa ang mag-ama.



Samantala, naging usap usapan naman sa social media ang mga larawan ni Pre dahil talagang napaka gandang bata niya. May ilan pa nga na nagsasabi na maaari itong pumasok sa showbiz industry kapag laki nito at sundan ang yapak ng kaniyang ama.

No comments:

Post a Comment