Monday, December 27, 2021

Karla Estrada, Tuluyan Ng In-unfollow Si Dominic Roque; Bea Alonzo, Nadamay


Inunfollow na nga ng actress-singer na si Karla Estrada ang Instagram account ng aktor na si Dominic Roque,.

Sa latest YouTube vlog ni Ogie Diaz na "Ogie Diaz Showbiz Update", sinabi ng talent manager-comedian na tuluyan na ngang inufollow ni Karla ang dating kaibigan ng kaniyang anak na si Daniel Padilla.

Matatandaan na naging usap-usapan din sa social media platforms noon ang ginawang pag-unfollow ni Daniel sa kaniyang kaibigan. Napabalita pa noon na na-friendzone umano ang kapatid na babae ni DJ na si Magui na dahilan ng pag-unfollow nito kay Dominic. 

Ngunit ang isyu na ito ay kaagad namang pinabulaanan ni Ogie at sinabi na mayroon pang mas malalim na dahilan ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang aktor.


Ani Ogie,

“Narinig ko lang ha. Parang may kinalaman nga ito sa Dominic Roque at Daniel Padilla gap. Dahil sa pagkakaalam ko Jegs, may nasabihan si Karla na isang tao na sinabi niyang si Dominic, malabo na silang magkaayos ni DJ.”

Pagpapatuloy pa niya,

“Eh anyway, kung nanonood si Karla, mabuti nang linawin niya ang isyung ito, para na rin sa kapanatagan ng loob ng mga fans ni Daniel, kung sila man ay nagtatanong din kung bakit nagkasira ang friendship ni Dominic at ni Daniel. Dahil sa pagkakaalam ko, sobrang tagal na sila.


“Ako ha, nalulungkot ako Jegs kung sakali hindi na magkaayos sina Dominic at DJ, kasi sayang yung friendship. Jusko naman, ang hirap-hirap pa naman makatagpo ng tunay na kaibigan sa mga panahon ngayon.”

Nang tanungin ni Tita Jegs si Ogie kung bakit nadamay umano sa isyu si Bea Alonzo, ang kasintahan ngayon ni Dominic, sagot ni Ogie,

“According to my source, magkaibigan raw si Marjorie at Karla so baka daw may kinalaman doon.”


Saad ni Ogie ay marahil mas pinili ni Karla ang kaniyang kaibigan o di kaya ay mayroon pa talagang mas malalim na dahilan ang nangyari o baka naman hindi umano talaga pina-follow ni Karla ang aktres.

Sa ngayon ay nananatili pa ding tahimik ang kampo ni Karla at Dominic tungkol sa isyu.

No comments:

Post a Comment