Monday, December 27, 2021

Andi Eigenmann, Dinepensahan Ang Fiance Mula Sa Mga Akusasyon Na Pagnan4kaw Diumano Ng Mga Donasyon Para Sa Mga Nasal4nta Ng Bagyong Odette Sa Siargao


Dinepensahan ni Andi Eigenmann ang kaniyang fiance na si Philmar Alipayo sa mga akusasyon na ibinabat0 laban dito na sinasabing ninak4w diumano ni Philmar ang mga donations para sa mga bikt1ma ng Typhoon Odette sa Siargao.

Ang pamilya nina Philmar at Andi ay nasa Metro Manila noong manalasa ang Bagyong Odette sa Siargao noong nakaraang linggo.

Sa kaniyang Instagram stories noong Lunes, December 20, ipinaliwanag ni Andi na mayroong dalang mga boxes ng pagkain at essential items si Philmar noong umuwi ito sa Siargao mula Metro Manila. Si Philmar ay nakauwi si Siargao nang siya ay mag-volunteer para sa relief operation na isinagawa ng isang airline company.


Ani Andi,

"chepox just got back to Siargao and left me and the kids behind with a heavy heart in order to go and see our family and see what more we could do to help.

"When he got a a seat on the sunlight_air as a volunteer, we also asked beforehand if he was allowed to bring some boxes with him so he could readily bring food and other essentials to his family and our loved ones there. They said yes!

"It is very sad to know that he is being accused of stealing donations when he even specifically ignored his chance to use his platform to ask for them, since he's more than willing to use his own money just to help our community out."

Samantala, hindi naman pinangalanan ni Andi ang siyang nag-akusa ng pagnan4kaw laban kay Philmar. Ngunit idiniin ni Andi na hindi totoo ang mga akusasyong iyon na ibinabato kay Philmar.


Ipinaliwanag din ni Andi na mayroong financial means ang kaniyang fiance upang makatulong sa kaniyang mga kapamilya at pati na din sa mga nabiktima ng pananalasa ng bagyong Odette sa Siargao.

Saad ni Andi,

"Just so hurtful that it always seems to be so hard to believe that my fiance has his own money to spend too because he works to earn it.

"Now with some, he is still the same simple man who doesnt really need much. Just for his kids to have a good life.

"Which is why it isnt hard for him to share his blessings to HIS HOME."

Ibinahagi din ng aktres ang pag-aalala niya para sa kay Philmar dahil sa akusasyon na natanggap nito ngunit siniguro naman ni Philmar sa kaniya na siya ay ayos lamang at sanay na siya sa pagharap sa anumang pagsubok na dumating sa kaniyang buhay.


"Before he left i kept telling him to take care. And he kept assuring me he will be ok by saying, 'Mahal, I am used to having nothing. We are used to having no bed to sleep on, no aircon, no purified water, no proper food to eat. I WILL BE OK.'"

Sa magkahiwalay na Instagram story, nilinaw naman ni Andi na hindi ang airline company ang siyang nag-aakusa kay Philmar ng pagnanakaw diumano nito. Sinabi niya na binanggit lamang niya ang nasabing kumpanya para linawin na pinayan nila ang kaniyang fiance na magdala ng sarili nitong boxes na puno ng mga essential items at mga pagkain para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

No comments:

Post a Comment